Simula

227 94 24
                                    

‘Hindi na kita ginising, may pagkain sa baba, punta lang kami sa palengke.’ -Lola

Laman ng isang maikling papel na idinikit pa talaga sa noo ko.

Si lola talaga.

Panahon ng tag-init, panahon para huminga, panahon na dapat saya lang ang tanging nararamdaman at sa aking pagtapak sa buhangin, ang tag-araw na iyon ay naiiba, tulad ng magiging tag-init ay may hangganan din na magbabago sa aking buhay. Tag-init ng kalayaan, tag-araw ng walang katapusang mga posibilidad, mga posibilidad na maaaring matutunan kong magmahal pero sakit ang idinulot nito sa akin.

Nakadungaw ako sa labas ng aking bintana ng aking kuwarto, maaga ako nagising dahil sa naramdaman kong excitement. I spread my wide arms and close my eyes concurrent the provincial stench.

Matagal ako nasa gano'ng posisyon bago tuluyang idilat ang aking mga mata ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko..ang lalaking gusto ko, nakangiting nakadungaw sa akin, may hawak ng isang bugkos na rosas sabay kaway sa'kin.

Davis is a mestizo boy with hair that matches the tangerine sitting on his desk. When he looks my way it's with a grin that tells me he's gonna be with me all day. It's that sort of half smile that ticks up on one side. He looks away again, pale blue eyes to the desk, but not in shyness. With that withdrawn gaze I have been dismissed.

Pagkababa ko kaagad kong tinalon siya nang yakap, hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Ang makita ko lang siya ay buo na ang araw ko, paano pa kaya kung araw-araw na kaming magkasama? Jusko mababaliw ako sa saya n'to!

“Miss mo na agad ako?” tanong niya sa kalagitnaan ng yakap naming 'yon.

“Sobra,” sabi ko habang nakapulupot ang mga binti ko sa bewang niya, samantala ang braso ko naman ay nakayakap sa kan'yang leeg.

Hindi siya nagsalita bagkus hinaplos niya lang ang likuran ko at tuluyan na rin yumakap sa akin. Bumaba ako sa yakap naming iyon at ngumingiting tumingin sa kan'ya.

“Ano 'yang ngiting iyan?” Naniningkit niyang mga matang tanong sa akin.

“Malalaman mo na ang sagot ko mamayang hapon sa tabing dagat,” nakangiti kong sabi sa kan'ya, dahilan para umusbong sa kan'yang mga mata ang mga halong-halong emosyon.

I think I'm ready for this, I'm ready to be with him, I'm ready to take a risk. I'm ready to be his summer. And I know he is.

“T-Talaga? Sasagutin mo na ako?!” naroon ang tuwa sa kan'yang boses nang tanungin niya ako.

“Basta sikreto na lang! Malalaman mo na mamaya. Magkikita tayo mamayang hapon mga alas singko sa tabing dagat.”

“Sige ba na-eexcite naman ako d'yan!”

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Sigurado na ako sa desisyon kong ito, handa na ako para kilalanin ang pag-ibig, handa na akong masaktan, handa na akong maiwan, handa na ako malunod sa pagmamahal.

Nakangiti akong naghihintay sa kan'ya sa tabi ng dagat, na may pinaghalong dilaw at kahel na mga ulap.

Hindi pa siya dumarating, maaga pa naman kaya hihintayin ko siya, baka may ginagawa lang siya. Ngunit nagdaan ang ilang minuto walang Davis ang dumating, hindi ako nawalan ng pag-asa kaya tinawagan ko na.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon