When you start to grow and mature, you'll realize that no matter struggles you've got the most important thing is we learn to forget at forgive. And what matter most is his attitude, sense of responsibility, faithfulness and loyalty. Choose someone who can take care of you physically, emotionally and financially.
The prenup video was held at 10,000 roses café. It was shooted before the day of our wedding happened. The cafe itself has a viewing deck that can offer a completely amazing view of the Cebu Island, the sea, and of course, the flowers. It is a perfect spot for photographers to capture a marvelous picture of the whole area without them getting stuck in the crowd.
The wedding is held at Sto. Rosario Church one of the church here in Cebu, ala una ng hapon. The theme of our wedding is design by Shawn, Charah, and Charice ay kasama sa pagpre-para sa kasal namin.
The reception is held at South pole hotel, malapit lang din sa simbahan para hindi na gaano mapagod ang mga bisita. Ni-rentahan namin ang buong hotel since maliit lang naman ito, para sa mga gustong mag-stay after ng reception lalo na kadalasan sa mga kamag-anak ni Davis ay galing abroad pa, umuwi lang dito para lang sa kasal namin.
Naglalakad kami ngayon patungo sa altar, kasama ko si lola at si papa naglalakad patungo sa bagong buhay na sisimulan ko, luhang ayaw magpaawat sa pagbuhos.
Boses ni Drix ang mas lalong nakapagpaiyak sa'kin dahil sa ganda ng mensahe ng kanta. Bagay na bagay talaga para sa'min ni Davis. Si Lola naman ang nagsimula ng suminghot at naiiyak na rin.
“Salamat anak,” panimula ni papa nang malapit na kami makarating sa dulo. Habang si Lola naman ay panay punas sa kaniyang luha.
“Para saan naman po?”
“Salamat, dahil binigyan mo ako ng pagkakataong isama sa bagong buhay na tatahakin mo.” sabi niya, habang naglalakad pa rin kami patungo sa altar.
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko sa sinabi niyang 'yon.Habang si Lola tahimik lang na nagpupunas ng kaniyang luha.
“Masaya na akong makitang maayos na ang anak ko. Handa na akong mawala. At patawad dahil wala ako sa mga panahong kinakailangan mo ako. Patawad dahil hindi ko nagampanan ang pagiging ama ko sa'yo.” pagpapatuloy niya dahilan para tumigil ako sa paglalakad, na naging dahilan para tumigil din ang mga ito.
“B-Bakit apo? A-Atras ka?” kinakabahan na tanong ni Lola dahilan para umurong ang luha nito at napalitan ng pangamba.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa at paakbay ko silang niyakap.
“Mahal ko kayong dalawa. La, salamat sa lahat-lahat sa mga panahong kinakailangan ko ng kalinga andiyan ka handang tanggapin ako ng buong buo. Pa 'wag ka naman magbiro ng ganiyan! Sa kasal ko pa mismo! S-Sabihin mo, hindi mo na ako iiwan ulit 'di ba?” garalgal kong tanong kay papa.
Luha, ang rumaragasa sa aking mga mata.
Luha ng tagumpay sa lahat ng pasakit na nadaanan ko. Luha ng pagpapatawad at harapin ang bagong yugto ng aking buhay kasama ang aking mapapangasawa. At luha ng kasiyahan.“Mahal din kita apo, hangga't humihinga ako palagi ako nasa tabi mo. Hindi kita hahayaang mag-isang lumaban.” sabi ni Lola na ngayon ay mas lalo pang bumuhos ang luha.
“Lola,” naiiyak kong sambit n'to at saka ko niyakap ito nang mahigpit. Kasing higpit ng pagmamahal at pag-uunawa niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...