Kabanata 10

119 85 5
                                    

When I go down, nagulat ako kung sino ang nadatnan ko. Akala ko si Davis lang pero may dalawang panauhin pa pala.

Palihim akong nakatingin sa ibaba ng hagdan, pamilyar ang mga mukha nila. Isang nasa med 40's na babae at isang nasa med 50's na lalaki. Naka-upo silang dalawa sa isang maliit na upuan namin sa sala. Kapwa kong naririnig ang mga boses nila kahit nasa hagdanan palang ako. Nakatingin ako sa ibaba habang nasa gano'n sila, biglang tumingala si Davis at ngumiti ito sa akin nang pagkalawak.

What's that smile?

Huminga ako ng malalim, saka humakbang na pababa ng hagdan. Kaagad akong sinalubong ni Davis ng isang mahigpit na yakap. Ngunit hindi lang 'yon nagtagal dahil pumunta sa gawi namin ang isang babeng nasa med 40's na ata. Tumabi naman sa gawi ko si Davis para bigyan ng daan ang babaeng 'yon sa akin.

“Ah, Henziel, mama ko pala,” nakangiting pakilala sa akin ni Davis.

“A-Ah, hello po! Nice meeting you po,”

Ngumiti ito sa akin saka ako niyakap din. Nakakagulat man pero yumakap na rin ako pabalik sa kan'ya. Pero parang may kakaiba sa galawan niyang iyon, at hindi ako kumbisido sa bawat ngiti at magagandang pinapakita niya sa akin.

“Ano ka ba, hija tawagin mo nalang akong mama!” she smile again.

What's that smile?

“Ma, 'wag mo namang i-pressure si Henziel baka busted ako nito.” nakangusong saway ni Davis sa kan'yang Ina.

“Pagpasiyensyahan mo na ako, hija ah? Wala kasi akong babaeng anak, lahat lalaki kaya uhaw na uhaw akong magka- anak na babae,” nakangiting saad ng mama ni Davis.

“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Davis sabay hagod sa likod ko habang ang Ina niya ay nakangiti paring nakatingin sa akin.

There's something in her smile makes me wonder if that's true. Pero kalaunan na wala na rin iyon, baka nagkamali lang ako sa inakala. Remember Henziel don't judge the book by it's cover.

“Ito na pala si Henziel? Ang gandang dalagita, Felicia! Puwede siyang maging modela! Hula ko marami ka ng manliligaw 'no?” tanong niya sa akin habang nakahawak sa mga kamay ko.

“Ah, wala pa po akong naging boyfriend.” nahihiya kong pag-amin dito.

“Oh, I see! Bakit naman Felicia? Hindi mo siya pinapayagan?” nakataas na kilay na tanong niya kay Lola.

“Aba, ewan ko ba riyan! Hindi ko naman siya pinagbabawalan!”

“Ah, hindi po tita sadyang I'm not into relationship pa po ako. I'm only seventeen.”

“Gano'n ba? Pero bakit pumayag kang mag-paligaw kay Davis?” nakangising tanong sa akin ng mama ni Davis.

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa katanungang iyon. I knew it, she's not into it. She's faking all this time, and this is probably the reasons kung bakit kanina pa ako nakaramdam ng bigat na enerhiya sa kan'ya. Sasagot na sana ako kundi lang umagaw sa eksena si Lola.

“Ano ka ba, Agnes! Pinipressure mo iyong apo ko! Kung ayaw mo sa kan'ya para sa anak mo sabihin mo na ngayon palang!” nakangiti man na sabi ni Lola pero naroon parin ang seryoso sa boses nito.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon