Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang hinubad lahat ng suot niya. Ito ang naging therapy niya para sa sarili dahil pagod siya buong biyahe. Humiga sa kama at agad dinalaw na ng antok. At hindi na nagkaroon ng oras para makapag-isip dahil siguro sa pagod.
Hapon na nang nagising siya sa isang imaheng nagmula sa kan'yang bintana. Kinukusot niya ang mga mata para mas maging malinaw ang paningin nito. Nang tuluyan ng makita ito ay gano'n nalang pagkurap ng kan'yang mga mata. It's Davis. Bumangon siya't tinapunan ng unan ang lalaki pero hindi ito natinag bagkus nasalo pa nito ang unan.
“Ikaw!” unang sambit niya sa lalaki habang nakatingin sa mga mata nito.
“A-Anong ginagawa mo rito?” napapaos niyang tanong sa lalaki ngunit halakhak lang ang nakuha niya.
Bumaba ito sa bintana at tumayo sa kan'yang harapan, habang siya ay mas lalong binalot ang kan'yang sarili ng kumot.
“Maganda ka palang matulog. Andito ako para sana gisingin ka para sa hapunan pero mukhang ako yata ang ginising mo.” sabi niya saka tumingin sa leeg ko.
Kaagad ko itong tinakpan. At dali-daling tinapunan ng unan pero kaagad naman itong nasalo.
Buwiset! Manyakis!
“B-Bakit ba kasi hindi ka nagdadamit” igting mga panga niyang tanong, dahilan para paglakihan ko siya ng mga mata at umusok ang tainga ko sa galit.
“At bakit ka pumapasok sa may kuwarto? Gawain mo ba 'yan, ah!? Uso naman siguro iyong katok, di'ba? At saka ano bang pakialam mong matutulog akong walang damit? Ganito na ako sa Cebu matulog!” inis kong sigaw sa kan'ya.
Hindi kaagad siya nakapagsalita at tumingin lang siya sa akin na parang galit. Maya-maya pa ay inihilamos na niya ang kan'yang mga kamay sa kan'yang mukha at tumalikod sa akin.
“Teka nga! Sagutin mo muna ako!” utos niya sa lalaki na ngayon ay nakatingin lang deretso sa mga mata niya.
Bigla siya nakaramdam ng pagkailang kaya umiwas siya ng tingin rito.
“Bakit kita sasagutin? Nanliligaw ka ba?” mapang-asar na tanong ng lalaki sa kan'ya.
Napa-O nalang ang bibig niya sa tanong nito.
Napaka-bipolar ng isang to!
“Magbihis ka at itutuwid kita,” sabi niya saka lumabas na ng kuwarto.
Sinundan ko siyang hindi makapaniwalang tingin hanggang sa sinara na niya tuluyan ang pinto.
“Anong ibig sabihin niyang ituwid niya ako? Nahihibang na ba siya? At saka sinong nagbigay sa kan'ya ng permisong pumasok nalang basta-basta sa kuwarto ko habang tulog ako?” inis akong bumangon, nagbihis, at inayos ang hinigaan ko.
Pagkatapos kong gawin ang lahat kong gawin ay lumabas na ako sa aking kuwarto. At bumaba na, habang dala ang isang headset at phone ko, balak ko sana magpahangin sa labas pagkatapos ng hapunan.
Nadatnan ko nakahain na ang hapunan sa hindi gaano kahaba na lamesa. Isang huling hakbang na sana ako nang nakita si Davis nakangiting may dalang pagkain galing sa kusina. Bumuntong hininga nalang ako saka pumunta na sa hapag kainan at pinaghila ng sarili ng upuan.
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...