Kabanata 20

86 48 0
                                    

Lumabas ako ng condo, napapikit na lang ako ng mata ko nang mapagtanto ko ang ginawa ko ngayon. I have nowhere to go. Wala akong sariling bahay at pamilya na uuwian.

Pero siguro mag-chi-check-in na lang ako ng isang room dito sa apartment hotel na tinitirhan namin. Nasa katapat lang ako ng room. Sinadya kong huwag lumayo sa kanila dahil hindi ko kaya. Hindi ko kaya na lumayo sa kanilang dalawa. I've been with them for so many years and they're happy to be with.

Nang makapag-check in na ako ay pumunta ako sa balkonahe ng room ko. It was a cold night, a lonely night instead. I want to go with him but I can't because I'm scared. Maybe the reason why I am scared of him.. because maybe this is all just a dream.

A very beautiful dream where even if I wished not to wake up, the time will come where I need to face reality that I can't have him forever. He might stay for long, but I cannot keep him forever.

Isang minuto na lang at kaarawan ko na. Nag-iisa sa gitna ng malamig na gabi. I hate birthdays. I hate my birthday.

Why my life being like this?

Bakit may mga taong nang-iiwan?

Bakit kailangan masaktan ng todo gayun nagmahal lang naman ako?

Sinubukan ko lang naman. But I guess this is the punishment of my curiosity. I give myself a chance to love but end up being hurt.

Tears started to fall. My tears are precious and I don't think that person is still precious to me.

Why am I acting like this? It's been seven years but look where am I? Still stuck from the past memories with him.

Niyakap ko ang sarili ko sa mga malalamig na hangin na humahaplos sa balat ko. Nakakalungkot ang lamig nito. Nakakalungkot dahil sa halip na maging masaya ay heto ako ngayon nagluluksa sa mga alaala na kailanman hindi ko na maibabalik pa. Hanggang doon na lang ang pagmamahal ko sa kan'ya, at wala akong magagawa kundi tanggapin na lang iyon. 

Umiiyak ako habang nakatingala sa maliwanag na buwan nang---

“Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Haaappy birthday our dear Henziel!” nagulat ko nang makita ko sina Charah at Charice na magkasama.

Si Charah may bitbit na cake habang si Charice naman ay may hawak na isang maliit na dalawang paper bag.

Nagulat ako sa presensya ng dalawa. Hindi ba nag-aaway sila? At paano nila nalaman na dito ako naka-check-in? Pinunasan ko ang mga luha ko. Saka hinarap sila mga walang hiya they planned this!

“Blow your candles birthday girl baka nangangalay din ako ano?” maktol na sabi ni Charah sa akin.

“Eh, sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na magdala ng cake dito ngayon?” sabi ko saka inis na hinipan ang mga candila.

“Aba! Aba! Ikaw na nga binati at lahat-lahat na, gan'yan ka parin umasta? Hindi ba puwede magsalamat ka muna sa amin?” singit naman ni Charice saka inilapag ang cake sa mesa.

“Di'ba nag-aayaw kayo? 'Wag ninyong sabihin sa akin na plano ninyo ito?!” inis na tanong ko sa kanila.

“Ouh yes! We've been planning this a while ago. Ang hirap mo kasing i-surprise gaga ka! Ang hirap mo pasayahin kaya ayan pati kaluluwa namin sinangla namin para dito kaloka!” maktol ulit ni Charah.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon