A few years have passed since I left her. It has been several years since I chose to go abroad to help my parents. A few years have passed since I last saw her...but even a few years later she will still remain in my heart. She's always have a place here in my heart.
Noong unang punta ko sa Saudi at pagtratrabaho ko bilang isang taga-pagluto sa isang sikat na restaurant doon, ay naging pahirapan sa'kin dahil hindi ako nakakaintindi ng Arabian.
May mga pagkakataon kasi na hindi marunong magsalita ang mga ito ng English kaya sa huli ay napilitan akong aralin ang lengguwahe nila. Ngunit nang malaman kong lumalala na ang sakit ni Mrs. Alvarez ay naki-usap akong mag-leave ng isang Linggo para lang makauwi sa Pilipinas. Pero kalaunan, 'yon din ang nakapagpabalik kaagad sa'kin sa Saudi.
Pitong taon bago pa ako humantong sa kung saan man ako ngayon, ay labis ginawa kong sakripisyo para sa mga magulang ko. Sariling kaligayahan ko ay binitiwan ko para sa pamilya ko. Nagkasakit ang mama ko dahilan para unti-unting naubos ang mga ipon ng mga Alvarez, dagdagan pa n'to ang pag-aaral ng dalawa kong kapatid sina Drix at Dwen.
Si papa Virgilio naman ay baldado na at may karamdaman na rin, kaya wala akong ibang alam na gawin bukod sa mangibang bansa. At 'yon lang ang natatanging paraan ang naiisip ko sa mga oras na 'yon.
Iniwan ko ang babaeng mahal ko para sa kinabukasan at kapakanan ng tinuturing kong pamilya. Hindi man nila ako kadugo ay nagpapasalamat pa rin ako na kinupkop nila ako. Kaya kahit 'yong sakripisyo lang 'yon ay makabawi man lang ako.
Sa pagbalik ko sa Saudi ay nakakilala ako ng isang pinay doon, 'yon ay si Shawn. Isa sa mga sikat na artista sa Pilipinas, noong una hindi ko siya kilala dahil bukod sa wala kaming tv, hindi rin ako mahilig manood ng mga palabas. At dahil hindi ko siya kilala, ay siya na mismo ang nagpakilala sa sarili niya. Kalaunan ay naging magkaibigan kami hanggang sa magka-ibigan at nagdesisyon magpakasal.
Nagkaroon din ako ng pagkakataon para makapag-aral. Nakapagtapos ako ng engineering at lawyer.
Mamaya pang gabi gaganapin ang bridal at groom shower. Kaya nakapagdesisyon akong puntahan sa dating condo ni Shawn. Ang sabi niya sa'kin kanina ay may kukunin lang siya iba pang mga gamit. Balak kong i-surprise siya ng kaniyang paboritong isaw. Nang makarating na ako sa tapat ng pinto ng condo unit niya ay nagdadalawang isip pa ako kung magdo-door bell o papasok na lang kasi may susi rin naman ako.
Pero sa huli ay binuksan ko na lang ito gamit ang duplicate keys ko. Nang mabuksan ko na 'to hindi ko alam kung bakit ang bilis nang tibok ng puso ko. Pero binalewala ko na lang 'yon baka nadala lang ako sa excitement na makita si Shawn. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makitang si Shawn na nasa ibabaw ng lalaking 'to.
“Anong ibig sabihin nito?” tanong ko kay Shawn na ngayon ay nasa ibabaw ng lalaki.
“D-Davis?” nataranta niyang sambit sa pangalan ko. Agad siya kumawala sa ibabaw ng lalaki at inayos ang strap ng bra niya.
“You! Get out or else I will kill you!” Duro ko sa lalaki na kating kati na akong suntukin ang pagmumukha niya.
“Dude just hear her out,” ika ng lalaki.
“And who've told you to speak here? I said get out before I will kill you!” inis na sigaw ko sa lalaki ngunit hindi siya natinag sa ginawa kong 'yon.
This is unbelievable! What the hell is going on?!
“And you? Care to explain this?” pigil na galit na sambit ko sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...