Ask for the moon 03
Nakasalumbaba akong nakatulala sa kawalan. Habang 'tong mga kagroupmates ko ay talak ng talak. Minsan naiisip ko kung bakit sila hindi tinatamad magsalita? Kasi ako kasama na ata sa pamumuhay kong tamarin kung minsan magsalita.
Tiningnan ko ang mga students na nagsisidaan ang sasarap pagkukurutin nitong mga batang 'to! Kung makapagblush on sobrang pula! Parang hindi mga grade 7! Kung makakembot pa parang may spring sa baywang! Ano bhe? Parang hindi pinapalo ng nanay ng hanger pag-uwi, huh.
Napagawi naman ang atensyon ko sa mga basketball player na parang tanga na nagkocrossover sa daan kahit na walang bola. Sana ayos lang kayo? Walang bola pero parang may nakikita. Sana ganun din kayo sa feelings ng mga pinaglalaruan n'yo ano? Sana nakikita niyo rin! Hay nako! Nahahigh blood lang ako sa mga taong 'to.
"Oh Yoreh? Tulaley ka na naman." Sadnie Joy said.
Umupo pa siya sa tabi ko at nilapag ang hawak niyang folder sa tabi niya.
"Inggit ka? Gaya ka," lokong saad ko at umirap.
Nandito kami ngayon sa bleachers at pinagmamasdan ang mga nadaan. Napatingin pa sa'kin ang mga kagroup ko ng bigla akong magsalita dahil sa kaibigan kong dumating.
She chukled and grabbed my hair "Mama mo gaya,"
Sinamaan ko siya ng tingin at bahagya ring sinabunutan "Mama kita,"
"Alam mo tumulong ka nalang d'yan sa mga kagroupmates mo hindi 'yun tulala ka. Pag naging medical technologist na talaga ako ikaw unang kukuhaan ko ng dugo," natatawa niyang saad.
I laughed "Kapag nagkaanak ka talaga! sampung piso lang bibigay ko 'pag pasko,"
Magsasalita pa sana siya pero tinawag na ako ng leader namin at may pinastapler. So, yes taga stapler na naman ako ano pa nga ba? Wala naman akong pakialam sa mga nangyayari at 'tsaka nabigay ko na naman din 'yung part na ginawa ko mabuti na nga lang at nandito pa ako kahit pwedeng maglibot libot nalang.
"Oh ano? Bakit ka nandito? May i-chi-chismis ka na naman? Sige girl, spill the tea na!" curious kong saad ng makabalik na ako sa tabi ng kaibigan ko.
Umirap lang siya bago bumuntong hininga. "Pautang muna ng pamasahe. Magkaaway kasi kami ni kuya hindi ako susunduin!" iritadong saad niya at nilahad pa ang kamay.
Sadnie your face?! Is so makapal na.
"Bakit naman kayo magkaaway?" chismosa kong tanong. Kita ko sa mukha niya ang pagkairita dahil sa pamumula niya. Wow, sana all namumula.
"Masama kase ugali ng kuya ko na 'yun! 'Diba apat kami, 'Yung dalawa lang close ko, Ta's nung last year may topak 'yun! Pinalitan password ng wifi, lahat kami wala wifi siya lang meron! Ta's pinagsabihan ni mama, Ta's sabi ba naman siya daw nagbabayad," nagulat pa ako dahil sa sobrang pagkairitang bumakas sa kaniyang mukha. "Ah! Nanggigil ako!" pahabol niya pa.
"Kumalma ka," paalala ko. "Pero pa'no muna 'yung gigil?" Natatawang tanong ko. Kaya sinabunutan na naman niya ako.
"Joke lang!" natatawang awat ko sa kaniya. "Sige na! Papautangin kita basta magbayad ka ha? Bawal ang scammer at 'tsaka hayaan mo muna 'yung kuya mo magkakabati rin kayo no'n," saad ko at nilahad sa kaniya ang pisong kinuha ko sa bulsa.
"Piso? Seriously? Ay sige! Mas matutuwa pa ako 'pag nilunok mo 'yan! Pwedeng 250?" saad niya at nilahad ang kamay.
"Wow, Ang demanding! Pamasahe 250? Kami nga ni Angel one hundred pesos lang ang pamasahe papasok at pauwi! Ta's ikaw 250? Eh, d'yan lang sa ika-dalawang kanto ang bahay niyo! Feeling mo naman nasa ika-sampung kanto," nahahighblood kong saad.
BINABASA MO ANG
ASK FOR THE MOON (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] She's Yoreh Selene Antares, she's a Moon. She was scared... what can happen in her heart? Sa pag-ibig mahirap sumugal, Lalo na kung mabilis ka napamahal... pero kapag nagmahal naman ay hindi sa tagal nasusukat? Ang sinabi nga 'Once you f...