Ask for the moon 31
"Ms. Yoreh, 'Yung academic assessment daw na files ay isend mo na sa email ni Ms. Valencia," Kinakabahang sabi ng co-teacher ko, Si Ms. Jean.
Umirap ako at pasimpleng nagdabog "Awit naman pala si Ms. Valencia, Pinapahirapan na naman ako. Umay siya girl," Iiling-iling kong reklamo.
She acted like not a professional! Hindi ko talaga magets, why? Siguro nga baliw na baliw talaga siya kay Khalil. Hindi ko naman kasalanan na bestfriend ko 'yon!
Tumalikod na si Jean, Parang hindi naman siya teacher kasi ang mahiyain niya at talagang kinakabahan sa'kin. As if naman na kakagatin ko siya.
"Thanks, Ms. Jean!" Pasasalamat ko.
Napatingin naman sa'min ang iilan na teacher.
Wala talaga akong masyadong closed dito. I mean 'yung katulad ng kina Mawi, Angel at Sadnie.
Napanguso tuloy ako, Apat na taon na din ang nakakalipas simula ng bumalik ako dito sa Cavite. Nakakapagvideo call naman kami. Si Mawi kasi ay nasa Cebu ang trabaho. Si Angel naman ay nasa Makati nagtuturo. Si Sadnie naman ay nasa Makati din. Kung minsan ay napunta sila sa bahay para bisitahin ako pero sa mga nagdaang buwan ay hindi na ulit naulit dahil sa mga sari-sariling career na tinatahak na namin.
Sumalumbaba ako at tumulala.
Kumusta na kaya si Cyrus? Ang sinabi kasi sa'kin ni Angel ay may anak na nga siya at 'yun ay galing sa babaeng nakita na'min. Mabuti nga nagkausap sila ni Cyrus at mukhang masaya na naman daw. Well, Masaya naman ako para sa kaniya at masaya na din ako. Ayun naman talaga ang gusto ko. Ang sumaya siya dahil alam kong sa huling pag-uusap namin ay sobra din siyang nasaktan.
"Ms. Yoreh? Ano? Tulala ka lang d'yan porket wala kang klase ngayon? Bakit hindi mo na lang asikasuhin 'yung pinapagawa ko?" Sarkastikang saad ni Ms. Valencia.
Inis ko siyang binalingan, Nakacrossed arm siya at nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin. Umayos siya ng pagkakatayo bago umirap.
"Edi wow," I murmured.
"What?" Mataray niyang tanong.
I sighed "What your face," walang ganang sambit ko.
Suminghap siya at tumalikod, Halos sanay na'ko sa pag-uugali niya. Napakaattitude!
Ipinalibot ko ang paningin sa buong faculty. Mga seryoso ang pagmumukha nila na parang stress na stress na sa paaayos ng grades ng mga makukulit na students.
"Saan ka pupunta? Tapos ka na, Ms. Yoreh?" Tanong ni Athena.
Isa din siya sa madalas kong makausap dito. Kaya ngumiti ako sa kaniya.
"Hindi pa, maggagala-gala lang ako dito sa hallway bago 'yung sa next class ko," Sagot ko.
Bumuntong hininga siya "Sitahin ka na naman n'on ni Ms. Valencia. Alam mo naman 'yon insecure na insecure sa'yo," nag-alalang sabi niya.
"As if I care, Go lang," walang pakialam kong sagot bago tumalikod.
Narinig ko naman ang bahagyang paghalaklak ng ibang mga nakarinig dahil sa sinabi ko. Alam kong medyo iritado na rin sila ugali nong babae na 'yon.
"Good Morning,"
"Good Morning po,"
"Good Morning, Ms."
Bati sa'kin ng ibang estudyante. Some of them are familiar pero hindi lahat kaya nginitian ko na lang sila.
Umupo ako sa bleachers, May iilan pang napapatingin sa'kin at binati ako. Ngayon lang ba sila na nakakita ng teacher na nakaupo sa bleachers? Ngumuso ako ng ang ibang students ay lumayo sa gawi ko. As if naman makikinig ako sa mga paghaharutan niyo.
BINABASA MO ANG
ASK FOR THE MOON (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] She's Yoreh Selene Antares, she's a Moon. She was scared... what can happen in her heart? Sa pag-ibig mahirap sumugal, Lalo na kung mabilis ka napamahal... pero kapag nagmahal naman ay hindi sa tagal nasusukat? Ang sinabi nga 'Once you f...