36

2.6K 81 4
                                    

Ask for the moon 36

"Uminom ka muna ng tubig," sabay abot niya sa'kin ng tubig.

Umirap ako, Nandito kami ngayon sa unit niya dahil dito niya ako dinala. Gustuhin ko man na sa bahay muna pero tama ang sinabi niya kanina na malalaman nila Mama na umiyak ako dahil sa pamumugto ng mga mata. Ayaw ko naman na sila pag-alalahin pa dahil nung nagbreak kami ni Cyrus ay talagang nawala ako sa sarili ko. 

Kinuha ko ang tubig na nilagay niya sa harapan ko. Pinunasan niya pa ang dinning table dahil may tubig pang natapon dahil sa paglalagay niya ng baso sa harapan ko. Gwapo siya sadyang gwapo lang din ang gusto niya.

"Sorry pala kung nakisawsaw ako sa usapan niyo kanina nag-init 'yung brainlalu ko nung nakita kitang naiyak, girl! Ayun ba 'yung kinukwento mong exlalets mo? Infairness, Gwapo si papsi pero ayaw ko sa attitude niya, girl," Prankang sabi niya.

I laughed "Gaga ka bakla, Hindi naman ganun ang ugali n'on at mabait 'yon! By the way hindi ko ineexpect na matutulungan mo'ko sa gan'ong bagay! Pahiyang-pahiya na ako kanina ni kahit magsalita hindi ko na magawa dahil pagkakapahiya. Kaya Salamat talaga ng marami, beks!" nakangiting sabi ko.

Tumayo ako at niyakap siya, Hinampas niya naman agad ako na parang isa akong mikrobyo na dumapo sa makinis niyang katawan!

"Kadirdir naman, girl! Don't hugged me. Ligo ka muna, girl!" saway niya at tinaboy ako na parang isang langaw.

I chuckled "Arte mo namang bakla ka! Paligo ako!" Paalam ko.

Pumasok ako sa kwarto niya at sinundan niya naman agad ako. As if naman na may mananakaw akong gamit dito! Well, Meron nga pero hindi naman ako magnanakaw! Dumaretso ako sa cabinet niya dahil sa bakla siya at madalas na ginagawan ako ng ibang design na damit or dress ay may mga pwede akong gamitin dito.

Yes, He's a gay! Ako lang at sila mama ang may alam. Hindi ko nga alam sa baklang 'to kung bakit may lakas siya ng loob na sabihin ang totoo sa pamilya ko samantalang sa pamilya niya ay hindi niya magawa!

Umaakto siyang lalaki sa harap ng iba pero kapag ako na ang kaharap o dikaya'y sina ate ay lumalabas na ang pagkababae niya. Minsan nga gusto ko siyang ibuking sa pamilya niya lalo na kapag sinasabunutan niya ako ng malakas kapag hindi niya bet 'yung makeup ko. Ang chaka-chaka ko daw magmakeup!

Kumuha ako ng pajama at kulay itim na sando malaking pasalamat talaga sa kaniya dahil may panty at bra din na nandito. Madalas din kasi ako dito dahil patay na patay sa kaniya si Ms. Valencia 'yung co-teacher ko na to the point na sinusundan siya dito.

Nandidiri ko siyang tiningnan "Dito ako matutulog ha? Bawal kang umangal! Alam kong gwapo ka pero.. hindi kita pagnanasaan," dahil alam ko na ang isasagot niya.

Umirap siya, Baklang-bakla! Sayang na sayang! Khalil, jusko po!

"Oo na girl! Bilisan mo na nagdidilim na ang paningin ko sa pagmumukha mo," Iritadong tulak niya sa'kin.

Natatawa akong pumasok sa banyo.

Ipinatong ko kung saan ang susuotin mamaya.

Mahinahon kong hinilot ang sentido ko. Ayaw na ba talaga sa'kin ni Cyrus? Kasi kung ayaw na niya.. Gusto ko pa rin sa kaniya.

Gusto ko pa rin siya pero hindi ibig sabihin non patuloy akong manggugulo sa kaniya.

Sa ilang taon na lumipas siya pa rin siya at siya pa rin. He didn't let me fall to a different man. Kahit ilang beses na ako sinet nitong si Khalil o dikaya'y ni ate or Samuel ay wala. Siya at siya pa din pala talaga. Weird man pakinggan para sa iba pero wala talaga si Cyrus at Cyrus pa rin. Kahit ata tumigil ang pag-agos ng tubig sa sapa siya at siya pa rin.

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon