Ask for the moon 19
Mga ilang sandali naman ay ang cellphone naman ni Samuel ang tumunog.
"Sagutin ko lang 'to?" Paalam niya.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Sino ba 'yon?" Iritadong tanong ni Sai.
Pinapanood nila si Samuel na naglalakad palabas ng apartment.
I raised my brows "Si Samuel nga,"
Bingi ba sila? Sinabi ko na kanina.
"Ano mo siya ayun ang gusto namin na sagutin mo," malamig na sambit naman ni Wendrix.
Umirap ako "Edi sana iyon ang tinanong niyo diba?" Inis kong balik sa kanila.
Ben chuckled "Ano mo nga?"
"Malamang friend! Duh, anong gusto niyong isagot ko? Boyfriend ko? E, May boyfriend na'ko," Sarkastikong sambit ko at umirap napahawak tuloy ako sa ulo ko ng bahagyang sumakit.
"Bakit naman parang sobrang alala at nandito na agad?" mapanghinalang tanong ni Hugo.
Seriously?
"Kasi gan'on ang kaibigan," Irap na sagot ko.
Gusto ko sanang masuka dahil sa sinabi ko. Seriously? May kaibigan akong baliktad ang utak?
Mariin nila akong tiningnan na parang sinusuri ang aking ekspresyon. Mga baliw amputa.
"Yor, Tumawag ate mo. Mag-usap daw tayo saglit," Sambit ni Samuel at sinenyasan ako na lumapit.
Tamad akong tumayo at bumuntong hininga. Ano na naman ba ang problema non? Ano baliktad na rin ba ang utak niya? Parang kanina lang ay kausap ko siya!
Bumaling ako kina Ben "Kuha lang kayo sa kusina ng mga stocks ng pagkain kung gusto niyo. Kausapin ko lang 'yung ate ko," Saad ko.
Tiningnan lang nila ako at sabay-sabay na tumango. To be honest, para silang mga aso na inutusan ng amo.
Umirap na lang ako bago tumalikod.
Feeling ko para akong gelatin! Nanghihina na naman ako!
"Dito,"
Hinawakan niya ako sa siko at ginawi sa upuan na nandito sa tapat ng apartment.
Nilahad niya sa'kin ang cellphone at tumambad sa'kin ang ate ko na nakasalumbaba sa screen. Nang makita niya ako ay umayos siya ng pagkakaupo.
"Wala ang Prof namin kaya mag-uusap tayo. Tumawag ako kay Samuel para alam rin ni Samuel ang problema mo. Para siya ang taga tahan sa'yo," Panimula niya.
Napatingin ako kay Samuel na maamo na ang mukha. Ito ang gusto ko sa kanilang dalawa kapag may problema ako ay nakakapag-open up ako sa kanila. Hindi nila ako jinajudge katulad nung nag-open up ako sa kanila nung naghiwalay kami ni Josh.
Binalik ko sa screen ang tingin ko kaya inagaw ko kay Samuel ang cellphone niya at hinarap ang ate kong may bakas ng pag-aalala sa mukha.
"A-ate," garalgal ang boses kong tawag sa kaniya.
She took a deep breath "Go on,"
My tears immediately fell down on my cheeks like it's a fountain.
Kwinento ko sa kaniya kung paano kami nagkakilala ni Cyrus at kung ano ang nangyayari hanggang sa ngayon. Habang ginagawa 'yon ay sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha sa'king mga mata. Hindi ko ineexpect na dadating ulit sa puntong iiyak ako sa harapan ni Ate at Samuel ng dahil sa isang lalaki. Na iiyak na naman ako dahil sa nasasaktan ako. Na iiyak na naman ako kasi nasaktan na naman ako.
BINABASA MO ANG
ASK FOR THE MOON (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] She's Yoreh Selene Antares, she's a Moon. She was scared... what can happen in her heart? Sa pag-ibig mahirap sumugal, Lalo na kung mabilis ka napamahal... pero kapag nagmahal naman ay hindi sa tagal nasusukat? Ang sinabi nga 'Once you f...