Ask for the moon 30
Napahilamos ako sa pagmumukha ko. Napapagod na akong umiyak ng umiyak at magpunas ng mga luha dahil paulit-ulit na lang. Ang akala ko magiging ayos na kami dahil sa bago niya na namang pag-asta.
He acted like he's willing to risk something just for me! But he didn't!
He's just acting!
Napasinghap ako ng maramdaman muli ang pagsikip ng dibdib ko. Mukhang may isang matulis na punyal ang bumabaon sa dibdib ko. Kasi sobrang sakit na habang natagal mukhang hindi ko kakayanin.
Pinigilan ko ang paghikbi pero taksil na rin ata ang katawan ko dahil hindi ko na mapigilan. Naramdaman ko na lang ang biglang pangangatog ng balikat ko.
Daretso ang tingin ko sa daan habang hila-hila ang maleta ko. Kahit tingnan ang mga kaibigan ko na nasunod sa'kin ay hindi ko magawa. Hiyang-hiya ako dahil feeling ko hindi na ako 'yung kaibigan nila na nakilala.
Dahil ngayon puro sakit lang ang nararamdaman ko sa twing kasama ko sila.
Dahil kapag kasama ko sila nalipad ang utak ko.
"Tangina niya, Malaman ko lang na pinagsabay ka niya at nung bago niya baka mapatay ko siya. Hayop siya pinagkatiwala na nga kita sa kaniya. How dare him to made you cry a million times? Bullshit!" Nanggagalaiti na saad ni Samuel.
Padabog niyang ipinasok sa kotse ang maleta ko. Sunod-sunod ang pagpapakawala niya ng malalim na pagbuntong hininga. Nararandaman ko rin na anytime ay pwede na siyang sumabog sa sobrang galit.
Napailing akong pumikit.
Niyakap ko sila Mawi at Angel.
Tipid ko silang nginitian bago tuluyan na makalayo. Nakakainis isipin na dahil sa isang lalaki mapapalayo ako sa mga kaibigan ko. Mapapalayo ako sa lugar kung saan ang kinagisnan ko.
Ngunit mas nakakainis kung pipilitin kong manatili kahit alam kong anytime pwede na 'kong bumigay.
Ayaw kong bumalik sa Cavite, Marami rin namang magagandang lugar na pwedeng puntahan but I used to be here at Manila.
Pero siguro senyales na rin 'to na bumalik ako para na rin magkasama-sama kami nila Ate.
"Ikabit mo 'yang seatbelt mo! Umayos ka nga, Yor. Don't let that guy to ruin your life! Hindi na ikaw 'yung Yoreh na nakilala namin. Tingnan mo 'yang pagmumukha mo sobrang maga na ng mata mo kakaiyak," bulyaw niya sa'kin bago paandarin ang sasakyan.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya.
Kinwento ko sa kaniya lahat na ng nangyari na naman. Kamuntikan niya pa nga na hanapin si Cyrus para lang mabugbog.
I'm touched.
Bumuntong hininga siya. "I'm sorry, Kung ganito ako umasta. Ayaw ko lang talaga na nakikitang nasasaktan ka dahil kapatid ka ng girlfriend ko at tinuturing na kitang kapatid," mahinang usal niya bago kinagat ang labi.
Huminga na lang ako ng malalim. I know that I look pitiful in front of him and my friends.
Nakakaawa ako.
Naaawa ako sa sarili ko.
Napabalikwas ako at bahagyang napahawak sa dibdib ng marinig ang malakas na pagtunog ng cellphone ko na nasa loob ng aking bulsa.
Sa hindi malaman na dahilan ay biglang nagkandabuhol-buhol ang pinag-iisip ko.
Paano kung siya ang tumawag?
"Answer that, Tell him you won't give him a chance. You don't deserve what he does to you. Hindi ka isang bagay o ano na pwede niyang saktan anytime," nanggagalaiti niyang sambit.
BINABASA MO ANG
ASK FOR THE MOON (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] She's Yoreh Selene Antares, she's a Moon. She was scared... what can happen in her heart? Sa pag-ibig mahirap sumugal, Lalo na kung mabilis ka napamahal... pero kapag nagmahal naman ay hindi sa tagal nasusukat? Ang sinabi nga 'Once you f...