Ask for the moon 32
Nagsimula na akong maglakad.
Gusto kong bumalik sa loob ng faculty para kausapin pa si Ms. Valencia at sabihan ng mga salita na magpaparealize sa kaniya na mali ang ginawa niya.
Halata pa sa pagmumukha niya na walang pagsisisi sa ginawa! Paano talaga niya nakokonsensya 'yon?
Hindi niya man lang ba talaga naisip na paano pag-uwi ng estudyante at mag-overthink?
Paano kung sobrang mamoblema ang estudyante at hindi na makapagfocus sa pag-aaral?
Paano kung hindi na makayanan ng estudyante na harapin ang iba niyang kaklase dahil sa kahihiyan?
Hindi niya ba talaga naisip ang mga gan'ong bagay?
Kasi totoo naman din ang sinabi ko sa kaniya. Never naging kasalan ng estudyante kung hindi siya makakapagbayad ng tuition! Maybe they need to be responsible pero hindi 'yon kasalanan! Alam kong mahirap kapag tungkol sa pera ang kailangan.
Paano na lang kung 'yung pera naiipambayad nila dito ay pinangkain muna nila para makatawid sa gutom?
Siguro napasok sa isip ni Ms. Valencia na hindi naman pala kaya na mabayad ng tuition bakit dito pa pinag-aral? Maybe Stone's parent want her to studied here dahil bukod sa maayos na facilities ay gusto nila na pag-aralin sa magandang paaralan ang anak nila. Tulad nalang nila Mama at Papa.
Pumasok na ako sa next class ko binati naman nila ako kaya tumango-tango na lang ako.
"Ms. Yoreh! Ang ganda mo talaga crush na crush po kita!" Pag-amin ni Vince.
Nginiwian ko siya "Child abuse" biro ko.
Tumawa naman agad sila.
Nagsimula na akong magturo ng kung ano-ano. Tutok naman ang atensyon nila sa'kin kahit na may iba-iba silang kinakalikot.
Sinusubukan ko din na magrecite at nasasagot naman nila na senyales na nakikinig sila sa mga sinasabi ko.
Pinagsulat ko sila ng essay tungkol sa dinisscuss kong topic.
Well, Umangal sila pero dahil ako ang batas dito sa loob ng classroom ay wala silang nagawa.
"Ipasa niyo 'yan sa Class President niyo,"Sambit ko.
Nag-angalan pa muli sila gaano ba kahirap na kumuha ng ballpen at papel na walang pag-angal? Okay, I know naman.
"Kung may problema kayo kahit tungkol saan ay pwede niyo kong lapitan. Kung nahihiya naman kayo na magsabi sa'kin ay pwede naman kayo na itext ako or immessage sa messenger,"
Agad naman silang napatigil sa ginagawa at nagtatakang tumingin sa'kin.
Ngumiti ako "Wala lang gusto ko lang na kapag may problema kayo pwede niyo ako kausapin, lapitan at hingan ng tulong. Ayaw kong may estudyante akong mayr'ong problema na hindi ko alam. Gusto ko maging aware sa inyo,"
Tumango-tango sila at binalik ang tingin sa ginagawa.
Umayos ako ng pagkakaupo at sumalumbaba bahagya ko pang hinilot ang sentido ko.
Mga ilang minuto ang lumipas ay tumayo na ako.
"Ipasa niyo na lang," Anunsyo ko. "Fernandez, Ilapag mo na lang 'yang mga papers sa desk ko sa faculty. Wala 'yang deadline na time as long na mapasa n'yo ngayong araw. Kung hindi kaya ngayon ay kausapin n'yo ko at bigyan ng maayos na dahilan. Gotcha!"
Naghiyawan naman agad sila.
Napatingin ako sa iba kong estudyante na hindi na agad nagkandaugaga.
BINABASA MO ANG
ASK FOR THE MOON (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] She's Yoreh Selene Antares, she's a Moon. She was scared... what can happen in her heart? Sa pag-ibig mahirap sumugal, Lalo na kung mabilis ka napamahal... pero kapag nagmahal naman ay hindi sa tagal nasusukat? Ang sinabi nga 'Once you f...