Ask for the moon 16
Its been 1 month simula ng sagutin ko si Cyrus. Hindi ko pa rin ulit namimeet sina Tita Alejandra at Tito Armando dahil pansamantala silang umuwi sa Pampanga dahil may iniayos na regarding sa business.
Kung minsan iba ang schedule niya at ang akin kaya napag-usapan namin na kung hindi parehas ang oras ng pagpasok namin ay huwag na niya akong ihatid dahil ayaw ko rin naman na maapektuhan ang pag-aaral namin.
Pinakilala niya din ako bilang girlfriend sa mga kaibigan like he really is proud! Nakakataba ng puso na sa bawat pagbanggit na girlfriend niya ako ay may malawak na ngiti sa labi niya at kumikislap na mata. Hindi na rin naman nagulat sila Sai, Jake, Izi, Ben, Wendrix at Hugo ako pa nga ang nagulat dahil walang bakas na pagkagulat sa kanilang mukha na para bang expected na nila 'to.
Sa uwian naman ay minsan nakain kami sa malapit na restaurant or what. Clingy pa rin siya as usual and a very possesive man but I like it naman.
Pero hindi ko inaasahan na may side pala siya na paggising ko sa umaga ay bubungad siya sa'king nagluluto o di kaya'y tapos na magluto. Hindi ko din ineexpect na may alam siya regarding sa research paper na topic namin kaya siya ang nagawa ng ibang hindi ko maintindihan sa studie.
"Ayaw mo talaga kumain ng kanin?" Tanong niya.
Tumango ako at binaling ang tingin sa filler ko. Naiistress na'ko sa sobrang daming rereviewhin.
"Egg sandwich na lang," Tipid kong sagot.
Hindi ako nag-aangat ng tingin sa kaniya dahil sobrang stress na'ko paano mo pagsasabay reviewhin 'tong mga constitution na 'to at civilization at geography. Tangina kanina pa ako nagbabasa basa at halos imemorize ko na nga 'tong mga 'to kaya mas lalo akong nalito.
Agad siyang bumuntong hininga kaya napatingin ako sa kaniya.
Halos tatlong araw na kaming ganito. Nababaliw ako sa kakareview samantalang siya ay nababaliw na rin atang pakainin ako.
"Sorry talaga, Madami pa akong ginagawa hindi tuloy tayo makapagbonding," Nakanguso kong sambit.
Nandito kami sa Canteen.
Umusog siya ng onti at tinapik ako sa likuran at dahan-dahan na nikayap.
"Ayos lang," Malambing niyang saad. "Nag-aaral tayong dalawa at hindi pwedeng mas unahin na'tin ang pagbonding sa ibang lugar kaysa tutukan ang pag-aaral,"
"Kailan ba ang exam niyo?"
Nakayakap ako sa kaniyang kinuha ang edd sandwich inalok ko rin siya at bahagyang kumagat bago kumindat sa'kin.
Parang tanga lang oh.
"Next Next week pa, baby," malambing niyang sagot.
"Hindi ka ba na pepressure? Kasi ako next week na 'yung sa'min feeling ko mababaliw na'ko. Ikaw? Dapat nag aadvance reading ka na para hindi ka na mabaliw kapag malapit na 'yung exam,"
He laughed "Sa'yo lang naman ako baliw," preskong sambit niya.
Sinamaan ko siya ng tingin "Ang seryo-seryoso ng sinasabi ko, e,"
He chuckled " Seryoso naman ako sa'yo," sabay kindat.
Tangna, Ang gwapo. 'Yung panty ko!
"Ewan ko sa'yo," Kinikilig kong sambit.
"Tulungan na lang kita magreview," Nakangiting saad niya.
Kinuha niya 'yung cattleya ko at kumalas sa pagkakayap at bahagyang humarap sa'kin para hindi ko makita ang notes ko.
BINABASA MO ANG
ASK FOR THE MOON (COMPLETED)
عاطفية[COMPLETED] She's Yoreh Selene Antares, she's a Moon. She was scared... what can happen in her heart? Sa pag-ibig mahirap sumugal, Lalo na kung mabilis ka napamahal... pero kapag nagmahal naman ay hindi sa tagal nasusukat? Ang sinabi nga 'Once you f...