1

8K 167 14
                                    

Ask for the moon 01

Inilibot ko ang paningin sa ibang porters na nakikita ko nakasuot kasi sila ng pangbellhops na uniporme kaya ay natukoy ko kung ano sila. Sa ngayon ay mag-aaply ako dito sa isang hotel na pinapasukan ng kaibigan ko. I wonder if I suit here? Wearing a black blazer, white sleeved top and suiting bottom above my knee and heels. I walked confidently, Napatingin ako sa wrist watch ko ng mapagtanto na masyado akong maaga. May iilan na napatingin sa'kin kung kanina ay confident ako ngayon naman ay biglang bumaliktad ang sikmura ko na parang alam n'ya din na umaarte lang ako na confident.

Nginitian ako ng ibang porters na pawang alam nila kung bakit ako nandito dahil sa suot ko. Ayaw ni Mama at Papa na magtrabaho ako ang gusto nila ay magfocus ako sa pag-aaral at 'wag pagurin ang sarili para kumita ng pera. Kaya ko naman pagsabayin.

Mabuti nalang may kaibigan akong nagtatrabaho dito at inaya akong magtrabaho. Sa 'di kalayuan ay natanaw ko na si Angel na binabati ang ibang mga tao na nakakasalubong niya at gumawi sa'kin.

"Samahan kita kay Ms.Faith 'yung Supervisor of Guest Services," sabay hila niya sa'kin. "H'wag ka mag-alala dahil mabait 'yon at closed na namin. Sinabi ko na rin na mag-aapply 'yung kaibigan ko which is you," she said and looked around.

Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng matinding kaba. Sabihin man ni Angel na mabait 'yung Ms.Faith ay may kaba parin akong nararamdaman. Nagpatuloy sa paghila sa akin si Angel at huminto sa harapan ng isang metal na pinto, mariing pinihit upang mabuksan.

Angel smiled "Good morning po, Ms. Faith," bati sa kaniya ni Angel. "Nandito na po 'yung kaibigan kong mag-aapply," she uttered and excused herself.

I took a deep breath, binigyan ko pa ng pahabol na tingin ang pintong nilabasan ni Angel. Agad akong naglakad palapit sa isang babae na may ngiti sa mga labi. Ang tantya ko ay matanda lang 'to ng kaunting taon sa'kin. How can she looked pretty with her pencil cut skirt and white plain blouse?!

"I'm Yoreh Selene Antares," I introduced and greeted her, handed my hand.

"I'm the Supervisor of Guest Services, Faith Villanueva," she shook my hand and smiled. "Take a seat," utos niya at tinuro ang upuan na nasa kan'yang harapan.

"I already sent my resume po sa online application nitong hotel po," I mumbled.

Ilang beses ako nag-isip kung mag-aapply ba talaga ako since wala pa akong experience pero gusto ko din kasi mapunan ang pangangailangan ko! Bumili ng mga damit na uso! Bumili ng kung ano-ano pa. Ayaw ko lang talaga na pati mga gusto kong bilihin ay galing pa sa pera na binibigay sa'kin ng magulang ko. Iba parin talaga kasi pagnakikita mo ang isang bagay na pinaghirapan mo 'yung perang pinambili. Pinaghirapan ko hindi ng magulang ko.

Ms. Faith nodded "Yes, nabasa kona 'yung sa resume mo. So, nag-aaral ka pa, right?" tanong n'ya habang pinaglalaruan ang hawak n'yang parker na ballpen. Gusto ko sana siyang sawayin kasi what the hell?! Parker 'yan Ma'am.

"Opo, M.W.F and the rest po na araw na available na ako," I desperately said.

Marami pa kaming pinag-usapan kung minsan ay nagtatawanan pa kami dahil sa mga pinagsasabi niya. Tama nga si Angel mabait si Ms. Faith.

Sa huli ay inassign ako bilang front desk clerk. Sinabi pa niya na sa iilang hotel ay kailangan pa na degree at years experience bago makapasok sa gan'tong trabaho. Sinabi din na pwede na akong magsimula bukas dahil tuesday naman bukas at wala akong pasok. Walong oras ang dapat na mailalaan ko sa bawat pagtatrabaho at t'wing kinsenas katapusan ang sahod, which is not bad.

Mabuti na lang at may prinsipyo si Ms. Faith na "Wala sa degree or experience maibabatay ang kakayahan ng isang aplikante kundi sa kung hanggang saan ang kakayanin." sa una ay hindi ko gets dahil sa medyo may pagslow talaga ako at ngayong pauwi ko palang nagets para bang sinasabi n'ya na "H'wag maging mapanghusga sa kung ano na ang narating nung isa" at "Huwag maging batayan it."

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon