Prologue

11K 165 11
                                    

WARNING: Hindi 'to R18 warning😭

SUPER DAMI NITONG ERRORS, WRONG USED OF PUNCTUATION, AND GRAMMATICAL ERRORS.
---

"Ayan! Sige! Umariba kayo! ‘Yung mga blush on niyo sa pisnge ay ipantay niyo naman aba!" inis kong bulyaw sa mga estudyanteng nasa harapan ko.

Umirap sila sa kawalan  "Ma’am naman!" reklamo nila.

"Hoy, Lirel! T’wing sa klase ko kayo d’yan sa bandang likuran puro pagme-makeup ang inaatupag niyo!" bulyaw kong muli.

Ngumuso lang sila at nagpatuloy sa paglalagay ng face powder sa kanilang mukha. Umirap nalang din ako at dumila sa kanila bago tuluyan na lumabas ng classroom nila. Tanging cellphone lang ang dala ko dahil I can handle naman ng gano’n at hindi ko naman sila masisisi kung gusto nilang maging mature ang mukha kaagad o maglagay ng kung ano anong mga kolorete sa pagmumukha.

"Ma’am Yoreh!"

Kunot-noo kong inilibot ang tingin. Sino na naman ba ang tumatawag sa akin. Lagi na lang may tumatawag sa ‘kin kapag nandito ako sa hallway. Kung hindi may crush sa ‘kin na student ay manghihingi naman ng pagkain!

"Ma’am, pinapasabi po ni Mrs. Santiago na bilihan mo raw po ng makakain ‘yung manggagawa do’n sa building 4," saad ng estudyante at iniabot sa ‘kin ang isang libo bago tumakbo.

Ayan sige! Playground ‘to hindi paaralan.

Inis akong naglakad papuntang building 4. May iilan na estudyanteng binabati ako at ang iba naman ay umiiwas ang daan. As if naman pag-re-recite-tin ko kayo dito, duh!

Diretso ang tingin ko sa daan. I’m wearing my usual uniform na black slacks at pink blouse. Nakalugay din ang medyo kulot at mahaba kong buhok. Natatanaw ko pa sa hindi kalayuan ang ibang mga senior na nakadungaw sa ‘kin at kinikindatan ako.

"Kapag kayo ay binatukan ko baliktad kayo," biro ko kaya agad silang nagtawanan.

"Iba ka talaga Ma’am!" sigaw ng isa.

Iba ka your face!

Tinawanan ko lang sila at umirap. Huminto ako sa harapan ng ibang mga trabahante na hula ko ay mga nasa 30’s to 40’s palang ang edad.

"Hello po!" panimulang pagbati ko dahilan upang mapatingin sila sa'kin.

"Hello, ano pong maipaglilingkod namin, Maam?" tanong ng isa.

"Inutusan kasi ako ni Mrs. Santiago na bumili ng pagkain para sa inyo. Gusto ko lang tanungin kung ano ba ang gusto niyong pagkain?" nakangiting tanong ko.

Nagkatinginan naman sila na para pangnahihiya.

"Ah! Kahit ano na lang po, Ma’am." sagot naman ng isa.

"Sa‘yo, Engineer?" tanong ng lalaking nasa harapan ko at bumaling sa likuran ko.

Halos matumba ako dahil sa pagkagulat. Napatingin pa ako sa napahawak sa ‘king upang alalayan ako. Binigyan ko siya ng isang apologetic smile.

Ibinaling kong muli ang paningin sa lalaking ngayon nasa harapan ko na.

He’s standing straight while his hands inside his pocket. Tinaasan niya ako ng kilay bago nag-iwas ng tingin. Humakbang siya ng ilang beses upang mapalapit sa ‘kin habang saglit na pinadausdos ang daliri sa kaniyang buhok.

He chuckled "Wala," matigas na sagot niya.

Bago tumalikod.

Bago talikuran ako.

Na para bang hindi niya ako kilala.

Na para bang hindi niya ako nasaktan noon.

Na para bang hindi siya ang dahilan ng matinding pagluha ko noon.

Na parang wala lang.

Na parang wala na talaga.

Na parang hindi na pwede.

Na parang tapos na talaga.

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon