13

2.9K 83 5
                                    

Ask for the moon 13

"Pwede na ba ako magtanong?" Tanong ni Angel.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Gustuhin ko man na umiling ay hindi ko ginawa. She's my friend at tingin matutulungan niya ako.

Kasi gulong-gulo na ako.

"Nililigawan niya 'ko," pag-amin ko. "Pero hindi ko alam kung bibigyan ko ba siya ng chance? Kasi nung una namin na pagkikita, he's broken at mahigit tatlong linggo palang kami na magkakilala. Is that possible? Ang sabi niya the first time he saw me nakuha kona agad ang atensyon niya at nababaliw na daw ata siya," Iiling-iling kong pagkwento.

Nilapagan niya ako ng plato sa harapan dahil nagluto siya ng adobo.

"Pero halata na naman sa inyo na may something na. Lalo na sa'yo the way na nakikipag-usap ka sa kaniya. Para kayong ewan kanina nung una halata na siya ang nagseselos then ikaw naman. Siguro ayaw mo lang siya bigyan ng chance kasi dahil past niya," she took a deep breath and smiled at me. "Malay mo totoo naman ang sinasabi niya? Na ikaw na ang mahal niya baka naman ikaw lang 'yung naiwan pa sa past niya pero siya hindi na,"

Napatahimik ako dahil sa sinabi niya.

"Alam mo kasi ayan ang hirap sa'tin,e. Lalo na sa'yo you have the right naman para magdoubt kasi ex niya 'yon. Minahal niya 'yon the way he loves you o mas higit pa. Pero hindi naman dahil d'on tatanggalin mo na 'yung chance na maging masaya kayo sa isa't-isa,"

"Natatakot ulit ako na baka sa huli iwan niya ko," Pagdadahilan ko.

Umayos ako ng pagkakaupo at tiningnan siyang maigi. Naglagay ako ng kanin sa'king plato at gan'on din ang ginawa niya.

"But if you love him you need to take the risk," seryosong saad niya.

Yeah...

"I'll give him a chance," saad ko.

She looked at me seriously "Give him a chance because you want ha?" Tumango ako.

I really do.

I can't deny it anymore.

'Tsaka hindi naman basehan ang tagal bago mo madevelop ang nararamdaman sa iba, right? Masyadong mabilis, oo. Pero once you fall inlove kahit mabilis pa 'yan sa ikot ng elisi fan.

Once you fall, you fall.

I just remembered when I asked Merls. One of my friend back in to highschool.

Tinanong ko pa siya non if she believes na pwedeng bang mafall ang isang tao na agad-agaran and she answered na maybe crush lang ang tawag d'on? Infatuation.

Sabi pa ni Merls crush lang 'to.

'Yung mga ganito.

But we're not a elementary or highschool kids for this. College students na kami! So I can't call this as infatuation!

They said Love recognizes no barriers.

Napaayos ako sa pagkakaupo dahil sa biglaan na pagtunong ng cellphone senyales na may natawag.

"Sagutin ko lang," Paalam ko kay Angel.

She nodded "Sure,"  

Tumayo ako at inabot ang cellphone ko. Unknown number isa lang ang biglang pumasok sa utak ko. Na siguradong nagbunyi ang kaloob-looban ko dahil alam kong siya 'to.

"Hello?" Bungad ko.

[Kakatapos ko lang maligo. What are you doing? Hmm?] He softly asked.

Napakagat ako sa labi!

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon