Ask for the moon 14
Iniayos ko ang pagkakasabit ng kulay putting sling bag ko bago bumaling sa mga kaibigan ko.
"Nakakahiya naman!" Inis na sambit ni Mawi.
Sinabihan ko din kasi sila nasumabay na lang sa'min ni Cyrus dahil parehas naman sila ng shift at paalis na'din naman ako.
Angel laughed "Nako! Kunwari ka pa! Tara na," Aya ni Angel.
Umiling-iling na lang ako habang palabas.
Nakasuot lang ako ngayon ng ripped jean and white longsleeve. Iaabot ko lang naman na lang 'tong resignation letter na ginawa ko dahil tinawagan ko na kahapon si Ms. Faith. Kala ko nga ay pag-iistayin pa ako hangga't wala pang nakakapalit sa'kin. Pero mayr'on naman daw kaya ayos lang.
Napadako ang tingin ko kay Cyrus na kinawayan ako at todo ang ngiti. Nakasandal siya sa kotse niya at bahagyang pinadausdos ang daliri sa kaniyang buhok.
He's just wearing a black khaki short and white t-shirt. Sobrang simple pero ang lakas ng dating! He bit his lower lips when I stopped infront of him.
"Tara na," Aya niya.
Binuksan niya 'yong front seat at sinenyasan ako na pumasok. Kaya walang pag-aalinlangan na akong pumasok. Pinagbuksan niya din naman ng pinto ang dalawang kong kaibigan sa back seat. Binigyan pa nila ako ng mapanlokong ngiti.
"Infairness ang gentleman," sinundot pa ako ni Angel sa tagiliran.
Umirap ako at binalingan na lang si Cyrus na umikot para makapasok na din.
"Nagbreakfast kana?" Tanong niya sa'kin.
Tumango-tango akong bumaling sa kaniya.
His side profile is not a joke!
"Yes," simpleng sagot ko.
"Kayo?" Baling niya sa mga kaibigan ko.
My friend laughed " Oo naman! Kami pa ba?" Makapal ang mukhang sagot ni Angel.
Napatingin naman ako kay Mawi na nakapikit mukhang napagod kasi mag-aalas dose na ata s'ya ng umuwi kagabi.
Bahagyang natawa naman si Cyrus dahil sa sagot ni Angel. Napatingin ako sa kaniya na diretso ang tingin sa daan.
Walang pag-alinlangan kong sinuri ang pagmumukha niya. Nakaside view siya dahilan upang makita ko kung gaano katangos ang ilong niya. Ang malalim niyang mata at magandang hulma ng kaniyang labi. Nagtiim bagang siya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniyang mga mata.
Nagkatitigan pa kami ng saglit. Did he think that I fantasize something about his lips? Nahuli n'ya akong nakatingin sa kan'yang labi. Kaya nahihiya kong iniiwas ang tingin sa kaniya.
"Nakausap mo na si Ms. Faith?" Tanong niya.
Ang paningin niya ay nananatili pa din sa daan na kung minsan ay bumabaling sa'kin.
Tumango ako "Kilala mo si Ms. Faith?" Curious kong tanong.
"Yes," simpleng sagot niya.
Tumahimik na lang ako at tumango dahil hindi ko na naman na gustong tanungin pa kung paano niya nakilala.
He glanced at me and smiled "Sinabi ko nga pala kay Mom and Dad na nililigawan kita at gusto ka daw nila makita ulit,"
Awang ang labi akong bumaling sa kaniya at nilakihan siya ng mata.
Ngumuso siya "Nagtanong kasi sila kung nagkikita pa tayo then I answered them that yes kasi nililigawan kita," paliwanag niya.
"Okay," Tanging sagot ko.

BINABASA MO ANG
ASK FOR THE MOON (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] She's Yoreh Selene Antares, she's a Moon. She was scared... what can happen in her heart? Sa pag-ibig mahirap sumugal, Lalo na kung mabilis ka napamahal... pero kapag nagmahal naman ay hindi sa tagal nasusukat? Ang sinabi nga 'Once you f...