37

2.8K 89 0
                                    

Ask for the moon 37

Mga naglalakihan na gusali at malapainting na paligid. Ang ganda pagmasdan ng kalangitan at malinaw na tubig mula dito sa gusali. Nagcrossed arm ako at pinagmasdan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga sasakyan sa ibaba. May mga tao pang naglalakaran na mukha ng mga langgam sa sobrang liit.

"Malapit na 'to matapos," anunsyo ni Cyrus.

Humarap ako sa kaniya, Nakatalikod siya at nakaharap sa nilulutong adobo. Ang sarap pagmasdan ng paggalaw niya at sa bawat paggalaw niya ay umiigting na din ang braso niya. Nakakulay puting sleeveless lang siya ay itim na khaki short. 

Napangiti ako, 'Yung lalaking gusto ko nandito.. Malapit sa'kin.. Pinagluluto ako.

"Siguraduhin mo lang na masarap 'yan. Ang tagal mo akong pinaghintay para maluto 'yan kaya siguraduhin mo lang talaga, Cyrus," May pagbabanta kong sabi.

Napatingin naman agad siya sa'kin bago maglapag ng plato sa lamesa. Nginitian niya ako ng nakakaloko.

Nakakaloko at the same time nakakabighani!

"Seat," utos niya, sinunod ko naman. "Masarap 'to! Baka nga sa sobrang sarap mapasigaw ka," sabay ngisi.

Umirap ako sa kawalan. "Okay," tanging sagot ko.

Nilagyan niya ng kanin at adobo ang plato ko bago umupo at lagyan sa kaniya.

"Para ka namang alipin ko," biro ko.

"Alipin naman talaga ako ng pag-ibig mo," corny'ng sagot niya.

"Alam mo ilang taon 'yung lumipas pacorny ka ng pacorny,"

He chuckled "Alam mo ilang taon 'yung lumipas pamahal kita ng pamahal," balik niya.

Nag-iwas ako ng tingin, Naramdaman kong parang 'yung mga salitang binigkas niya ay parang apoy na tinapat sa pagmumukha ko.

"Mahal na mahal mo talaga ako?"

He nodded "Sobra pa nga sa sobra diba,"

Ngumuso ako, Grabehan, Wala naman akong ginamit na gayuma!

"Let's go back together, Be my girl, my moon, my selene, my baby again." Matapang niyang sabi.

Umiwas ako sa nakakapasong titig niya.

"Okay, Tikman ko na," turo ko sa pagkain. "Pag 'to talaga hindi masarap..Dito nakasalalay 'yung sagot ko kung papayag ako sa gusto mo," biro ko.

He panicked "Fuck! Talaga? Wait," inagaw niya ang pagkain sa'kin tinikman. "Pwedeng magkaiba kasi 'yung taste natin. Minsan kung masarap para sa'kin sa'yo hindi. Pwede rin na masarap para sa'yo tapos sa'kin hindi! Talaga d'yan ka babase?"

Natawa naman ako, Pilit kong inaagaw ang plato ko sa kaniya na pilit naman na nilalayo sa'kin.

"Hindi ka ba confident sa luto mo?" Mapanlokong tanong ko.

He bit his lower lips "Tss," binalik na niya sa'kin. "Kahit naman hindi mo magustuhan 'yan hindi kita hahayaan na makawala pa sa'kin." Proud niyang sabi.

Umirap ako sa kawalan "blah, blah, blah," I murmured like a kid.

Ngumuso siya "Pwede kitang ikulong dito sa condo ko at depende rin sa sagot mo ang desisyon ko," lokong sabi niya.

"Are you blackmailing me?" I raised my brows.

He chuckled "No, I'm just stating what condition my brain has,"

"Edi wow," pambabara ko.

"Kumain ka na nga," natatawang utos niya.

I shrugghed " Pafall ka?"

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon