SPG
"SIR, eto po yung available na space na pweding pagtayuan ng gasoline station. Harap naman po ng highway ito kaya madalas may mga sasakyan na dadaan dito." paliwanag sa kanya ng binatilyong kausap niya tungkol sa lupang bibilhin.
"Boss, ang ganda dito. Palayan pa yung katabi oh." Danica said while carrying Jiro on her arms. "Mahangin pa. Pagawa ka kaya ng office mo dito." she joked.
"Gusto ko din ang ganitong lugar eh. Magpapagawa nga ako, ikaw?" he calmly asked Danica.
"Hindi na boss. Makikihati nalang ako sayo. Minsan lang naman tayo makakapunta nyan dito dahil medyo malayo ito sa Manila." she's right.
Medyo malayo nga ang Pampanga sa Manila. Pero gusto niya pa din magpagawa ng sarili niyang office kaya papagawa siya.
"Okay, deal." sabi niya sa binatilyo at nilahad ang kamay para sa shake hands. Natigilan ang binatilyo at napakamot sa kilay.
"Sorry, Sir. Uh, madumi ho kasi ang kamay ko." parang nahihiya nitong saad.
"It's okay." ngumiti ito at tinanggap na ang kamay niya. Akmang sasagot ito nang tumunog ang cellphone nito sa bulsa ng pantalon.
"Excuse me, Sir. Sagutin ko lang po ito." he nodded. "Hello... ano? H-ha? N-nasa trabaho ako noh! T-tamang hinala ka na naman eh. S-sige. M-malapit na kong matapos d-dito." Namutla ang lalaki bigla. "H-ha?! Hindi ah! Puta, hindi ko binuntis yon no! H-hindi nga! M-mag-usap nalang tayo pagka-uwi ko. S-sige." humarap ito sa kanya at ngumiti ng pilit. Namumutla ito na parang nakakita ng multo.
"You okay, bro?" he curiously asked the boy.
"A-ah. Opo. Deal na ho ito Sir ah? E-eto po yung pipirmahan niyo." inabot nito ang naka-folder na mga papeles. Medyo nanginginig pa ang ang mga kamay kaya medyo natawa siya.
"Scared on your girlfriend, huh?" he teased the boy. Kinuha niya na ang folder at sinimulang pirmahan.
"A-ah! Naku, Sir. Hindi ko girlfriend yon. Wala akong girlfriend, Sir. Ate ko yon. Napakatapang." parang natatakot na sagot nito.
Natigilan siya at napaisip. Hmmm, naiimagine niya ang itsura ng ate nito dahil gwapo naman ang lalaki. Sigurado siya na maganda din ang ate nito. Matapang? Gaano kaya katapang? Eh sa kama? Matapang pa rin kaya?
Pinilig niya ang ulo dahil sa kung ano-anong iniisip niya at tinuloy ang pagpirma.
After ng pagpirma ay umuwi na sila.
Dumaan muna sila sa isang karendirya upang kumain. He's not used to karendirya but ofcourse, kasama niya si Danica kaya no choice siya. Tipid kasi ang pinsan at walang arte. He wondered, nasaan kaya ang hinayupak na ama ni Jiro? Kung siya ang ama nito, hinding hindi niya tatakasan ang bata at papanindigan niya ang responsibilidad niya.
Pero, wala naman siya sa posisyon ng ama ni Jiro para manghusga kaso hindi niya mapigilan.
"That motherfvcker. Napaka-irresponsable. Pangit niya." sabi niya sa isip niya.
"Tito eat ka na po." inabot ni Jiro ang kutsara at tinidor sa kanya at nginitian siya.
"Hayaan mo yang tito mo Jiro. Kanina pa tulala. Tanga kasi yang big dude na yan." Danica insulted him pero hinayaan niya lang. Sanay na kasi siya sa bibig ng pinsan at alam naman niyang biro lang yon.
"Mommy what is tanga?"
"Tanga means Giovanni de Carpio." Danica smiled sweetly at Jiro.
He rolled his eyes then he started eating. Masarap naman ang pagkain. Hindi lang siya sanay.
BINABASA MO ANG
ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceJorgia Hoodsoon is the eldest daughter among the eleven children of a farmer in province. What will happen when she meet the drop-dead gorgeous man who happened to be her brother's boss? Will she survive her desire feeling to him? Or NOT? Start: M...