Chapter 27

104 2 0
                                    

SPG

"WAIT LANG!!" sigaw ni Gia nang marinig ang pagdoorbell sa condo niya. Kasalukuyan siyang naglilinis ng sala nang tumunog ito.

Binuksan niya ang pinto at napangiti ng sumalubong sa kanya ang isang bouquet ng blue tulip flowers. Sa likod ng bulaklak na iyon ay ang gwapong mukha ni Van at cute na si Eros.

Mahina siyang natawa nang itagilid ni Eros ang mukha para makita siya. Natatabingan kasi ito ng bulaklak.

"Flowers for a gorgeous princess." sabi ni Ban at inabot naman sa kanya ni Eros ang bulaklak.

Napapangiti niya itong tinanggap at inamoy. "Good morning, Eros." hinalikan niya ito sa pisngi at hinalikan naman siya nito sa noo.

"Si Eros lang ang binati..." nakangusong bulong ni Van at nang mapansin ang tingin ni Gia sa kanya ay agad itong ngumiti at kinurot ang pisngi ng anak. "Good morning, Eros." he mimicked her.

She just make face and entered her condo. Sumunod naman sa kanya ang dalawa. It's been three weeks since Van started to court her. At sa tatlong linggong iyon ay araw araw siya nitong pinupuntahan ng mag-ama at dinadalhan ng bulaklak at pagkain. Madalas din silang lumalabas tatlo at namamasyal.

Natapos na din ang birthday ni Jiro last last week, at magkakasama at magkasabay silang nagpunta doon. Nakatanggap pa nga sila ng pang-aasar sa mag-asawa at binully pa si Eros ng mga lalaking kaibigan na mahina daw.

Umupo na ang mag-ama sa sofa habang siya ay pinagpatuloy saglit ang paglilinis tutal ay patapos na siya. Nag-offer pa ang lalaki na tutulungan siya pero sinabi niyang ayos lang dahil nga malapit na siyang matapos.

Nang matapos siya sa paglilinis ay naligo siya saglit at nang lumabas ng kwarto ay nadatnan niya ang mag-ama na naglalaro.

"Hey, kumain ka na ba?" tanong sa kanya ni Van nang makitang papalapit siya.

Tumango siya at ngumiti. "Yeah. Kayo ba? Pagluluto ko kayo." offer niya.

Agad namang umiling si Van at tumingin kay Eros na naglalaro ng dala nitong laruan na kotse. "We already ate before we go here."

Tumango siya at tumingin din sa bata. "Kailan nga pala ang birtday ni Eros? He's already three, right?"

"Yep. His birthday is on November 29." sagot nito.

Natigilan siya nang maalalang ito din an araw ng flight niya. Nagextend kasi siya ng another two weeks para magbakasyon pa. Pero nang sinabi niya iyon sa ama niya, sinabihan lang siya nito ng,

"Bakasyon ba talaga, princess? Baka honeymoon?" her father teased her.

She blushed and immediately deny. "What? No! Namiss ko lang talaga ang Pilipinas no!" palusot niya. "And, gusto ko pang makasama si Eros..." nakangiti niyang sabi.

"Who's Eros? Your new boyfriend? Ang dami kong nirereto sayo dito pero ayaw mo, tapos ngayong nakarating ka dyan ilang linggo ka palang may bago ka ng boyfriend. Tingnan mo nga yan mukha mo oh, para kang inlove na inlove sa Eros na yan!" nagvi-video call kasi nila ng ama niya.

Natawa siya sa reaksyon nito at umiling. "Dadey, Eros is Van's son. He's already three years old. He's cute, you know. Mabait hindi kagaya nung kambal dyan." napangiwi siya nang maalala ang mga pamangkin.

Ubod ng kulit ang mga iyon. Kapag naman binawalan ay agad magsusumbong sa ama niya. Madalas niyang nakaka-away ang mga pamangkin pero mahal na mahal niya ang mga ito.

"Oh?" gulat na reaksyon ng ama. "Van has a son?" inosenteng tanong nito.

Napairap siya at masamang tumingin sa ama. "Dadey, stop your act, hindi bagay. Akala mo ba hindi ko alam na updated ka sa buhay ni Van?" malakas siyang suminghal sa ama. "Hindi ka man lang nagshe-share ng information!"

ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon