Chapter 21

100 2 0
                                    

SPG

KASALUKUYANG NAKA-UPO SI Gia sa sala habang nagpapatugtog nang biglang bumukas ang pintuan.

Hinihingal na dumating si Van at mabilis siyang nilapitan at niyakap.

"I missed you... I'm sorry..." ulit ulit nitong sinasabi sa kanya habang mahigpit na nakayakap.

Natawa siya ng mahina sa ginagawa nito pero natigilan nang may maamoy na pambabaeng pabango. Inilayo niya ang sarili dito at pinakatitigan.

Namumutla ito at pawis na pawis na aakalain mong nakipag-karerahan.

Hindi niya pinansin ang itsura at amoy nito. Ngumiti siya at pinunasan ang noo nitong pawisan. "San ka galing? Ang pawis mo ah."

"S-sa Club L. K-kasama ang mga k-kaibigan ko." nauutal na sagot ito.

Tumango tango siya habang nakangiti pa rin. "Uminom ka?"

"K-konti..." nakatulala nitong sagot sa kanya.

Kinurot niya ang pisngi nito at mahinang tinapik.

"Maligo ka muna. Hintayin kita dito." aniya habang nakangiti.

Alanganin naman itong tumango at dahan dahang tumayo. Pero bago pa ito maglakad. "G-Gia?" tawag nito sa kanya.

"Hmm?" sagot niya habang nakatingala dito.

"I-I like you very much." ngumiti ito ng hilaw at hinalikan ang buhok niya.

Tumawa siya at tumango. "Alam ko. Ligo ka na. Dito lang ako."

Naglakad na ito papasok sa sariling kwarto. Nang sumara nag pintuan ng kwarto nito ay nawala ang ngiti niya. Bakit parang kinakabahan siya?

Bakit ganon nalang ang amoy ni Van? Masyadong matapang at matamis ang amoy niyon. Imposibleng sa kanya amoy iyon dahil hindi naman siya gumamit ng pabango simula kaninang umaga at mas lalong hindi ganoon ang amoy ni Danica at Jiro.

Malalim siyang napabuntong hininga at tumayo nalang para buksan ang tv.

Pagbukas niya ng tv ay bumalik siya sa kinauupuan at nanood nalang para mawala ang kanyang iniisip.

Para siyang nanigas sa kinauupuan niya nang biglang lumitaw ang isang litrato sa television. Litrato iyon ng isang lalaki na parang hinalikan ang magandang babae. Walang pang itaas na damit ang mga ito.

Nakaside view si Van sa litratong ito, habang ang babae ay maganda ang pagkakangiti. Kita rin ang ilang hickeys sa itaas ng dibdib ng babae.

Parang tinusok ng maraming karayon ang puso niya sa nakita niya. Dagdagan pa sa naririnig niya na sinasabi ng news reporter.

"Ayon sa aming sources, ang dalawang personalidad daw na ito na si Giovanni de Carpio at Cloe Hernandez-Hugo ay matagal nang magkarelasyon ngunit pasikreto lamang daw dahil gusto nila ng privacy para sa kanilang dalawa. Ayon naman sa aming interview kay Ms.Cloe Hernandez-Hugo, totoo daw ang rumors na kumakalat ngayon na sila daw ay matagal ng in a relationship ni Giovanni de Carpio. Pero mayroon naman daw talaga silang balak na umamin, hindi nga lang ngayon pero dahil nga na nalaman na ng lahat, ay umamin na siya. Hindi pa namin nakukuhanan ng statement patungkol dito si Giovanni de Carpio."

ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon