After 10 years...
"DADDYYYYY!!!" malakas na tili at tawanan ang nabungaran ni Gia habang papasok siya sa bahay nila.
Kakauwi niya lang galing sa girl's bonding nila ni Danica. Silang dalawa lang ngayon dahil busy ang iba.
Pagbukas niya ng pinto ay agad tumigil ang mga ito at lumapit sa kanya ang anim na taon nilang anak na si Hera Augustine.
"Hi, mommy. How's your lakad with tita Dani?" malambing na tanong nito habang nagpapabuhat.
Natawa siya at binuhat ito. "It's ayos naman, Hera." paggaya niya sa pagiging conyo ng anak.
She heard Van's chuckled. She saw her husband leaning on the sofa beside Eros.
Nginitian niya ang dalawa at lumapit sa mga ito. "Hey, there handsomes." binaba niya si Hera sa kandungan niya at hinalikan si Eros sa pisngi. Hinalikan naman siya Van sa labi at yumakap ito sa bewang niya.
"You looks so beautiful today, mom." sensyas ni Eros. Lumalambot ang puso niya sa tuwing naririnig itong tinatawag siyang 'mommy.'
"Thank you, baby." sagot niyang pasenyas din. Ngumiti naman si Eros kaya lumitaw ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Hindi nga nila alam na may biloy pala ang bata, para lang itong bigla tinubuan bigla ng dimples.
"Mommy what did kuya said?" makulit na singit ni Hera.
"He said I am looked beautiful."
Ngumuso ito at tumingin kay Eros. "I am beautiful too, kuya."
Natatawa niyang isinenyas kay Eros ang sinabi ni Hera. Natawa naman ito at tumingin kay Hera.
Kinuha ni Eros ni Hera at siya ang nagbuhat. Hinalikan ng nito ang bunsong kapatid at ibinaba sa lapag para makapaglaro ang mga ito.
Eros is now fourteen years old. Ilang taon din bago sila nagpasyang magkaanak dahil gusto muna niyang solohin si Eros. Sa paglipas ng mga tao, tinawag na siyang 'mommy' ni Eros. Binigay niya din dito ang apelido niyang Hoodsoon para talaga namang maging legal na ina na siya ng bata.
While Hera, is five years old. Makulit itong bata, tingin niya ay nagmana sa kanya ito. Habang kung sa itsura naman, kamukhang kamukha nito si Van. May pagkaconyo din ang bata... at medyo may ka spoiled dahil kay Van. Masyadong ini-spoiled ni Van ang mga anak. Konting sabi lang ng ito, ibibigay agad ang gusto. Ganon din ito sa kanya.
"Babe..." pinatong ni Van ang baba sa balikat niya at mahigpit siya nitong niyakap. "I love you..."
Napangiti siya sa kasweetan ng asawa. It's been almost ten years when they married each other. Dalawang beses silang ikinasal dahil ito ang request ng ama niya. Una, sa England. Masyadong magarbo ang kasal nila dahil mga royalties ang bisita. Kasama lang nilang nagpunta sa England ang mga kaibigan ni Van at mga pamilya nito, kasama na doon syempre sina Danica at Richardson.
Ang pangalawa naman nilang kasal ay sumunod na taon sa mismong araw din na yon. Dito naman iyon sa Pilipinas ginanap. Magarbo din ang kasal nila dahil ayaw magpatalo ng lalaki sa kanya. Ito din ang gumastos sa mga kasal nila. Marami din ang naging interesado sa kasal nila sa Pilipinas dahil nga kilala siya bilang prinsesa ng isang bansa at si Giovanni naman ay isang kilalang businessman.
At sa mga nakalipas na taon na yon, hindi na muling nagpakita sa kanila si Brida.
"I love you, too..." sagot niya at hinalikan sa pisngi si Van. "It's our 10th anniversary tomorrow." nakangiti niyang saad.
"Yeah, what do you want to do tomorrow?" he asked her sweetly while caressing her fingers.
"Hmm? Let's just have a simple dinner. I'll cook." presinta niya.
"Ofcourse, you'll cook. We don't have a chef and maid, right?" he said sarcastically. She laughed before answering him.
"I want our kids to be independent in the future. Gusto kong matuto sila sa mga gawaing bahay at hindi umasa sa mga katulong. Hindi porket may pangpasahod ka ay maghahire na tayo non. Hindi naman natin kailangan." paliwanag niya dito.
Ayaw niyang umasa ang mga bata at lumaking walang alam sa mga gawaing bahay lalo na si Hera. Ngayon palang ay may pagkamaldita na 'to, kaya ngayon palang ay dinidisiplina na niya ang anak.
"Oh, wait." bigla ay may naalala siya. "Hera." strictong tawag niya sa anak.
Dahan dahan itong lumingon sa kanya habang nakangiwi. Paniguradong alam na nito ang sasabihin niya. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Van.
"What did you do this time? Really? You punched your classmate's face because she called you 'conyo'?" naiinis niyang sabi sa anak.
Lumapit sa kanya ang anak at yumakap sa bewang niya. Nakita niya kung paano ito nagpa-cute kay Van, nanghihingi ng tulong.
Akmang magsasalita si Van nang inunahan niya ito. "No. Van. Stop spoiling, Hera. Hindi na maganda ang ginagawa niya. Yung huling beses ay sinabihan niyang masama daw ang ugali ng teacher niya dahil matandang dalaga, tinapunan niya ang bodyguard ng ice cream at ngayon naman... Ugh. Hera, bakit ba? Kanino ka ba nagmana ha?" nasstress siya sa bunso niyang ito.
Natahimik naman sila at kapagkuwan ay napabuntong hininga nalang nang marini ang hikbi ng bata.
"Hera, if you do anything again, you will not attend your class. You'll just stay in our house and I will be the one who will teach you you." seryosong aniya sa bunso. Tumango tango nalang ito at lumipat sa ama niya at iyon naman ang niyakap. Mabilis naman iyong niyakap ni Van at pinatahan.
"Don't cry baby..." ani Van habang hinahaplos ang likod ni Hera.
Sinenyasan naman niya si Eros na lumapit sa kanya.
"Why Hera's crying?" Eros asked using sign language worriedly.
"She punched her classmate." she answered Eros.
Nakita niya ang pagngiwi nito at sumenyas ulit.
"Hera is such a fighter. I remember when she punched my classmate because he's bullying me." nakangising sensyas nito.
Natawa siya nang maalala iyon. There's one time na sinundo niya ang mga bata sa school, inuna niya si Hera. Then, sinundo nila si Eros sa school nito. Naabutan nila na may nambubully dito pero bago pa man niya iyon mabawal, naunahan na siya ni Hera.
Hinila nito ang damit ng batang lalaki kaya napayuko ito sa kanya. Then, she punched him, hard. Dumugo ang ilong nito kaya nareklamo pa sila. Naghingi naman sila ng sorry.
"She is, pero hindi maganda ang mga ginawa niya dahil masyado pa siyang bata."
Tumango si Eros at yumuko. "I'm sorry, mom. I think I am a burden to you."
Natulala siya dito at hindi napigilan ang sarili. "No, baby. Hindi ka pabigat sa amin. You're my son. Okay? We love you so much, Eros."
"Thank you for accepting me as your legal son, mom. I really appreciate it. I love you all too."
Eros wipped her tears using his finger and hugged her tightly. Naramdaman din niya ang pagyakap sa kanya ni Van at Hera.
She's so lucky to have Van as her husband. He always understands her and his children. She knows that the person who always understands also get tired. But, he's not. Maswerte din siya sa mga anak kahit na minsan ay pasaway ang mga ito lalo na si Hera.
Her life without Hera, Eros and Van would be dull, senseless and sorrowful. She's very thankful to her husband that he gives her a beautiful and happy family.
--
So yun na nga. Sorry if NAPAKA-LAME ng mga lines. Nagcacram na naman si brain e. But anyways. Congratulations to me!! I finally finished my first book! Maybe next time I will have improvements? LOL, feeling ko talaga.
By the way, I started writing this in May 23, 2020 and I finally finished it now (May 27,2020). I'm so excited to finish it kaya ganyan ka-lame. HAHA SORRY pepz.
BINABASA MO ANG
ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceJorgia Hoodsoon is the eldest daughter among the eleven children of a farmer in province. What will happen when she meet the drop-dead gorgeous man who happened to be her brother's boss? Will she survive her desire feeling to him? Or NOT? Start: M...