Chapter 16

90 2 0
                                    


"P-PAG HANDA NA AKO?" nakamaang niyang tanong habang nakaturo pa sa sarili. "Ako?"

Ngumiti ang ama niya at tumango. "Yes. You will help me since you're my first born."

"P-paano ko tutulong sayo 'tay? Hindi ko man nga alam ang mga patakaran niyo don eh."

"You will learn. I will hire people to teach you. Mag-aaral ka ulit."

Napaawang ang labi niya sa saya. "M-mag-aaral ulit ako? Talaga?!"

"Uh-huh." Daniel Hoodsoon smiled while nodding. "So, tell me, gusto mo bang bumalik tayo don?"

Sasagutin na sana niya ng 'OO' ang ama, nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at nakitang si Van ang tumatawag. Naexcite siya bigla at hindi na napansin si Daniel Hoodsoon sa harap niya.

"Hey, babe." Van husky voice welcomed her.

"Hi." nangingiti niyang bati.

"Naka-uwi ka na ba? Kamusta byahe? Nakakapagod ba?" sunod sunod nitong tanong na ikinatawa niya.

"Dami mo namang tanong, Van. Oo kakarating ko lang. Ayos lang ang byahe, buti hindi masyadong traffic. Medyo nakakapagod kasi ang dami mong pinasalubong!" naka-nguso niyang sagot.

"Really? I'm sorry. Dapat pala hinatid nalang kita para di ka napagod." Van worried voice filled her ears. Bahagya pa siya namula dahil sa kilig na nadarama.

"Ayoko nga. Kaya ko naman sarili ko eh." angil niya habang inilalagay ang nahulog na buhok sa likod ng tenga niya na para bang nagpapacute.

"Okay." bumuntong hininga ito. "Nasaan ka pala? Bakit ang tahimik dyan?" kapagkuwan ay tanong nito.

Sasagot na siya nang biglang may dumakma ng cellphone niya.

"Tay!" gulat niyang tawag dito. Ngayon niya lang naalala na nandito pala ang tatay niya.

"You asshole, I told you not to bang my daughter!" naiinis na sabi ni Daniel Hoodsoon sa lalaking kausap niya kanina. "Yeah,right..." he snorted. "What?! How dare you..." unti unting nanlaki ang mga mata nito at namumula na sa galit. "You! I will kill you, you asshole!" nanggigigil na pinatay nito ang tawag na binalibag ang cellphone kung saan.

"Tay!" gulat niyang tanong habang nakatingin sa cellphone niyang basag basag na. "Tay yung cellphone ko..." naiiyak niyang saad.

"Oh. I'm sorry, princess. We'll just buy new one."

"PALIBHASA ANAK NG DUKE." malakas niyang bulong. Nagpaparinig sa ama na ikinatawa lang nito.

"--BAKIT ANG TAHIMIK DYAN?" tanong niya habang kausap si Gia. Nasa opisina siya kasama si Jiro at inaayos pa ni Danica ang pinipirmahang mga dokumento kung kaya't tinawagan niya si Gia.

"Tay!" narinig niyang sabi ni Gia na parang nagulat.

"You asshole, I told you not to bang my daughter!" naiinis na tinig ng ama ng babae ang narinig niya sa kabilang linya.

"Good day, Sir. And no, I am not. I respect your daugher a lot." he calmly but deep inside he is so nervous.

"Yeah, right." Daniel Hoodsoon snorted.

"That's true, Sir. I really respect Gia. And, I like your daughter, a lot." he honestly said.

"What?! How dare you..."

"I want to court her, Sir. And I want her to be my wife. I want her to be my mother of my children. So, I am asking for you permission. Please, sir." he pleaded with crossed fingers and he closed his eyes tighly.

"You! I will kill you, you asshole!" gigil na sagot nito at pinatay ang tawag.

Sinibukan pa niyang tawagan ang cellphone ni Gia pero nakapatay na ito.

Napabuntong hininga nalang siya at napasandal sa swivel chair niya.

Nag-aalala siya dahil hindi madaling kausap ang tatay ni Gia at duke pa ito. Alam niyang mataas na tao ito.

Totoo ang mga sinabi niya. He really likes Gia kahit na kalahating buwan palang mula nang magkakilala siya.

There's something about Gia that really makes him tame to her.

He know himself, he is wild when it comes to girls. He is not the sweet type of guy. He's just a serious jerk and horny asshole before.

But when it comes to Gia, he became soft and sweet. Hindi niya alam kung bakit nagiging mabait siya pagdating sa dalaga.

Maybe because I like her? tanong niya sa isip niya. Maybe.

"Oh good God..." napasabunot siya sa buhok niya nang maalala na naman ang ama nito.

"Hey. Are you alright?" Danica wakes his mind.

"Yeah..." he whispered while looking at the skyscrapers outside his building.

"Hmm? Let me guess..." Danica raised her left brow. "tungkol 'to kay Gia no?"

"Tita Gia?" pakikisabat ni Jiro sa kanilang dalawa ni Danica. Nagniningning ang mga mata nito nang marinig ang pangalan ng babae.

"See? Pati anak ko may gusto sa prinsesa." napabaling siya sa nagsalita, si Richardson. Hindi niya napansin na nandoon pala ang gago.

"What are you doing here?" tanongg niya dito.

Nagkibit lang ito ng balikat at inakbayan si Danica. "Visiting my fiancé and son." ngumisi ito.

"Whatever."

Natawa naman ng malakas si Richardson. "Damn man. Sa sobrang lalim ng iniisip mo kanina ni hindi mo man lang napansin ang pagdating ko."

"I'm busy, you know."

"Oo. Busy kakaisip sa prinsesa." tumawa pa ito.

"Wait? Prinsesa?" nalilitong tanong ni Danica.

"Oh shit." mabilis na napatakip ng bibig si Richardson. Ngayon lang din niya narealize na hindi pa alam ni Danica ang tungkol doon.

"Prinsesa si Gia?" salubong ang kilay na tanong nito. "Hah!" bigla itong tumawa. "I knew it!"

"Uhm. Hon... Secret lang muna ah? Please... Malalagot ako sa kay Duke Daniel Hoodsoon pag nalaman niyang may pinagsabihan ako ng tungkol sa anak niya." kinakabahang saad ni Richardson habang siya naman ay nakangisi.

"Lagot ka, daddy..." sulsol naman ni Jiro habang nakanguso.

"Shh, baby. That's our secret m, okay?"

"Bakit ka naman malalagot sa duke? May koneksyon ba kayo?" Danica confusedly asked her fiancé.

"Y-yeah... I'll explain it to you later."

Hindi na niya pinansin ang pamilya na nasa loob ng opisina niya at nagsimula na siyang magtrabaho nang nakangiti habang inaalala ang magandang mukha ng dalaga.

I'm whipped, damn.



A/N: Short lang yung naisulat ko ngayon, hehe.

IF YOU NOTICED GUYS, MEDYO MABAGAL YUNG FLOW NG STORY. Parang kayo lang diba? Ang tagal na pero hindi pa din nagiging kayo. (lol. ano kaya connect non? hahaha) SO YUN NGA, MEDYO MABAGAL KASI EWAN KO, GANON TALAGA EH.

ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon