Chapter 17

101 2 0
                                    


GIA AND HER FAMILY enjoyed their weekend together. Umamin na rin ang ama nila sa mga kapatid niya. Nagulat ang mga ito at nasiyahan dahil nalaman na mayaman sila.

Pero agad naman niyang pinaliwanagan ang mga kapatid na hindi porket mayaman, ay aabusuhin nalang nila ang mga pera ng ama.

Kagaya nalang ngayon. Nasa mall sila ngayon habang siya ay panay sita sa mga kapatid niya at lalo na sa ama niyang sige bili ng mga gamit. Bumili na din ito ng bago at malaking bahay para sa kanila. Hindi na sila naghahati hati lang sa dalawang kwarto dahil mayroon na silang tig-iisang silid. Dinating na rin ang tatlong kotse sa bago nilang bahay. Isang lambo, BMW, at Aston.

Nagtaka na din ang mga kapitbahay nila dahil sa bigla nilang pagyaman. Pero walang pakialam doon ang ama niya.

Napabuntong hininga nalang siya.

"Gia, here." abot na naman ng isang damit ang ama niya sa kanya. Yakap na niya ang mga pinamiling damit nito para sa kanya. Hindi naman niya matanggihan dahil ngayon lang daw ito babawi sa kanila pagdating sa materyal na bagay.

"O kayo? Nabili niyo na ba ang mga gusto niyo?" tanong naman ng ama niya sa iba pang kapatid.

"Yes, dad." sabay na sagot ng mga ito.

"Wow, English." natatawa niyang saad.

"Of course." nakangising saad ng tatay niya. Naglabas ito ng cellphone na di-keypad at may itinext. Ilang saglit lang, may labing isang lalaking mga naka-blakc suit ang lumapit isa isa sa kanilang magkakapatid at kinuha ang mga pinamili nila.

Pare-pareho silang mga napatulala ng mga kapatid niya.

"Let's go." aya ng ama nila. Tahimik naman silang sumunod dito.

Ganon ang nangyare sa kanila maghapon. Pinagtitinginan sila ng mga tao pero wala namang paki-alam ang tatay nila. Naglalakad lang ito na parang hari habang nakasuot nang maong pants, simpleng white-vneck tshirt, at tsinelas na nike na kanina lang binili. Kanina kasing nagpunta sila ng mall ay nakarambo na tsinelas lang ito.

Nagtataka siguro ang mga tao dahil pang-mahirap ang mga suot nila samantalang ang mga taga-bitbit ng gamit nila ay naka-black suit pa.

"SIGE 'TAY. INGAT KAYO DYAN AH?" paalam niya sa mga ito. Lunes ng umaga ngayon. Dapat ay kahapon pa siya uuwing Manila pero sinabi ni Van na magpahinga muna siya at ngayon nalang umuwi dahil baka napagod siya sa pamamasyal nilang mag-anak.

Nagka-usap na sila ni Van nang bumili siya ng bagong cellphone kahapon. Agad niya itong tinawagan at humingi ng pasensya dahil nasira ang telepeno niya.

"Sige. Mag-iingat ka don sa lalaki na yon." natawa siya sa sinabi ng ama.

Ayaw na ayaw nito kay Van dahil hindi daw mukhang mapagkakatiwaan.

"Yes dadey."

Hinatid siya sa sasakyan ng dalawang bodyguard ng ama. Hindi naman na siya umangal dahil alam niyang hindi papayag ang ama niya na magcommute siya.

Ilang iras lang ang lumipas ay nakarating na sila sa building. Nakita niya doon si Van na nakatayo at nakikipag-usap sa guard.

He's wearing gray jogging pants and white sando shirt. Naka flip flops lang din ito na kulay puti at naka-cap pa na baliktad ang pagkakasuot. May hawak din itong cup ng kape sa kanang kamay.

"Salamat po. Ingat kayo pauwi." anya bago bumaba at lumapit na kay Van. Nakatagilid ito sa kanya kaya hindi nito napansin ang paglapit niya.

Tumatawa ito ng malapitan niya.

"Psst." agaw niya sa atensiyon nito.

Kunot noo namang tumingin ito sa kanya pero agad nagliwanag ang mukha nang makita siya.

"Babe!" masaya siya nitong sinalubong ng yakap. "I miss you."

Natawa siya ng halik halikan nito ang pisngi, ilong at hanggang ulo niya.

"Masyado mo naman akong namiss. Ilang araw lang akong nawala eh." natatawa niyang saad.

"Ofcourse." mabilis siya nitong hinalikan sa labi at tumingin sa guard na kausap kanina. "Sige na, kuya Dey, pasok na kami. Eto nga pala yung kinukwento ko, ganda no?" tumatawa namang kumaway lang ang guard.

Kinuha ng lalaki ang mga bitbit niyang bag at ito ang nagdala. Hinapit siya ni Van sa bewang habang naglalakad patungong elevator.

Nang makapasok sila, agad siyang sinunggaban ng halik ng lalaki. Nagulat siya sa kaagresibuhan nito pero unti unti ring tumugon nang makaramdam ng pagkamiss sa binata.

"Uhhhmm..." daing niya nang pinasok ni Van ang kamay sa loob ng damit niya at dinakma ang isang dibdib niya.

"I missed you..." Van said between their kisses.

"M-miss you too... Ahh!" ungol niya ng pisilin nito ang isa niyang tuktok.

Natigilan sila ng tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na sila.

"Let's go, babe." maingat siyang hinatak ni Van palabas sa elevator pero bago yon ay inayos muna nito ang damit niyang nagulo.

Mabuti nalang at nasa likod siya ng binata, hindi nito mapapansin ang pamumula niya.

Hindi niya akalain na ganon nito ka-agresibo. At hindi din niya akalain na tutugon siya sa mga halik nito.

Pinindot ni Van ang password ng penthouse at pumasok na sila. Binaba ni Van ang mga bag niya sa sofa at hinila siya papunta sa kusina.

Nagulat siya ng makitang puno ng pagkain ang lamesa. "H-hinanda mo 'to?"

"Yep." popping the letter 'p'. "Alam ko kasing pagod ka sa byahe, that's why I cooked for you."

Pinaghila siya nito ng upuan kaya umupo na siya. Hinalikan muna siya nito sa leeg bago umupo sa katapat niyang upuan.

Nakatitig lamang siya sa binata habang nilalagyan nito ng kanin at ulam ang kanyang pinggan.

"Staring is rude, you know." biro nito sa kanya nang maabutan ang titig niya.

Napa-iwas siya ng tingin at bahagyang namula nang maalala ang halikan nila sa elevator.

"Uhm." tumikhim siya. "B-baka may CCTV sa e-elevator."

Natigil ito sa pagsandok at napatingin sa kanya na may malawak na ngiti.

"Don't worry, babe. That elevator is mine. There is nit CCTV there." then he winked.

"Ikaw kasi eh... Yan tuloy.." nahihiya niyang saad.

Tumawa ito at ibinaba ang sandok. Hinawakan ni Van ang kamay niya at dinala iyon sa labi nito.

"I'm sorry if I kissed you like that. Namiss kita ng sobra." malambing nitong saad. "Hindi ko alam pero, nung una kita nakita habang namimitas ka ng dahon, napatitig ako sayo non. Para akong nakakita ng dyosa.

Habang nag-uusap kami ni Jojo, namamangha ako sayo kasi ang tapang mo. Malakas ang loob mo, may pangarap ka sa buhay, at hindi mo kinakalimutan ang pamilya mo. Alam mo ba na ayaw na ayaw kong kumakain ng canned goods?" tumawa ito ng mahina. "Pero nung natikman ko yung luto mo, parang yon na yung pinakamasarap na ulam na natikman ko."

Malakas siyang natawa dahil sa sinabi ni Van. "Ang corny mo."

"No. Totoo nga, promise. Pag-uwi ko non galing Pampanga, I texted Danica to cook for me. Pero nakakailang luto na siya, hindi niya pa rin nakukuha yung lasa ng luto mo. Nagalit pa nga sakin dahil daw nagsasayang ako ng pagkain." tumawa ito at tumitig sa kanya.

"I like you, Gia."



A/N:
AYAN NA SI PAPA GIOVANNI!!! ANG CORNY DIBA? PERO SWEET YON PARA SAKIN HEHEHE.

ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon