CHAPTER SIX

134 4 0
                                    


JORGIA WAS LOOKING AROUND when she felt a stare.

Bumaba ang tingin niya sa batang lalaki na nakatulala sa kanya at nakanganga.

"Hello bata." nakangiti niyang bati dito at kumaway.

"Beautiful..." usal nito habang nakanganga pa din. Namamangha sa itsura ng babae.

"Ah. Salamat. Anong pangalan mo?" lumapit siya dito at nag-indian sit. Nasa tabi niya lang si Giovanni na nakatingin sa kanila. Ganon din si Danica na bahagyang nakangisi at naka-taas ang kilay na nakatingin kay Giovanni.

"Baby Jiro..."

"Ang cute mo naman Jiro." nangingiting sabi niya sa bata.

"I said my name is Baby Jiro. So you should call me baby Jiro too..." saad ng bata na nakapagpangiti sa kanya ng sobra.

She chuckled. "Okay... Baby Jiro." pinisil niya ang pisngi nito at namula iyon. Nagtaka siya ng makitang pati leeg nito ay namula.

"Oh my." Danica giggled. "My baby is blushing. Jiro is blushing."

Napalingon siya sa babae nang marinig ang tawa nito. Pati siya ay natawa lalo na nang dali daling tumakbo si Jiro kay Giovanni at nagpilit na magpabuhat.

"Tito, akyat ako sayo..." Jiro said using his little cute voice. Agad naman itong binuhat ng lalaki.

"Why baby? Do you like her? Do you like Tita Gia?" Giovanni asked Jiro while carrying the child.

Natigilan siya sa tinawag nito sa kanya.

Gia... Sound's good.

She smiled at herself.

"Yeah..." Jiro whispered.

Narinig niya ang halakhak ni Danica at lumapit ito kina Giovanni.

"Baby, aagawan mo pa si Tito ng girlfriend ah." Danica giggled when she saw Giovanni blushed.

"Shut up Dan." inis na sagot nito.

Naglipat lipat ang tingin niya sa tatlo.

"A-ah. Nako, hindi niya ko girlfriend. Ayokong maging kabit, hehe." she awkwardly laughed.

"What?" gulat na tanong ni Danica at tumingin sa lalaki. "Why Giovanni? Do you have a girlfriend or wife? Bakit hindi ko alam?" parang galit na tanong nito kay Giovanni.

Akmang sasagot ang lalaki nang unahan niya ito. "H-hindi ba kayo mag-asawa?" lito niyang tanong.

Malakas na humagalpak ng tawa ang babae. "Ew!" nagsensyas pa ito na parang nandidiri. "We're cousin Gia! Oh God. I can't imagine having sex with him."

"Shut your mouth Dani! Si Jiro!" inis na sabi ni Giovanni. "And Gia, no we're not in a relationship or what. She's my cousin and secretary. And definitely, I am single. Single." madiin na saad nito sa kanya.

"Ay nako. Sorry.. Kala ko kasi..."

"No Gia. I am single." makahulugang saad ni Giovanni at tumitig sa kanya. Muli na naman siyang kinilabutan sa klase ng titig nito. "Gutom ka na ba?" bigla nitong tanong na nagpagulat sa kanya at kay Danica.

Namamanghang tiningnan ito ni Danica. Nag-iwas naman ng tingin ang lalaki at nilapitan siya.

"Well?" pukaw nito sa kanya.

"O-oo..." wala sa sarili niyang sagot.

"Okay. I'll get you food. Wait for me." mabilis itong lumabas ng opisina at naiwan silang tatlo nila Danica. Napaigtad siya nang biglang tumili si Danica at parang hindi makapaniwala.

ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon