Magmula nang magpaalam si Giovanni para umalis ay umakyat na siya sa kwarto nila. Dalawang palapag ang bahay nila. Tatlo ang kwarto. Dalawang sa itaas at isa sa baba. Ang isang kwarto ay para sa kanya at sa dalawang kapatid na babae na si Julia at Jaja. Sa isang kwarto naman ay sila Jojo kasama ang anim pa nilang kapatid na lalaki na sila Jerome, Jerold, Jolo, Jeronimo, Jilbert at Jilyan. Labing isa silang magkakapatid, ngunit sampo lang sila dito sa bahay dahil isinama ng nanay nila ang bunso nilang kapatid na si Janica, dalawang taon palang.
Naabutan pa ng tatay nila si Giovanni at sandaling nakipag kwentuhan dahil pagod na ito sa bukid. Mabuti nalang at kasama nito ang iba pa nilang kapatid upang tulungan ang ama. Habang sila ni Jojo ay nagtatrabaho. Paside line sideline lang dahil hindi sila nakatapos ng kolehiyo.
Nakahiga siya ngayon sa gitna ng dalawa niyang kapatid na babae. Pareho niyang hinahaplos ang buhok nito upang makatulog. Ayaw niyang ginagawa ito dahil naaalala niya ang ina nilang iniwan sila para sa isang kano, pero wala siyang magawa dahil nasanay na ang mga babae niyang kapatid na ginagawa ito ng nanay nila.
Ang nanay niya ang inspirasyon niya sa lahat ng bagay. Noon, pangarap niyang maging isang kagaya ng ina niya, pero hindi na ngayon. Iniwan sila dahil lang sa hirap ng buhay. Sinabi pa nito na wala daw silbi ang ama nila dahil uugod ugod na daw.
Sobra ang galit niya sa ina niya kaya ayaw na ayaw niyang naririnig o nababanggit man lang ang pangalan nito. Dahil sa tuwing naririnig niya ang kahit anong tungkol sa ina, bumabalik ang mga sakit mula sa nakaraan.
"Ate..." napatingin siya kay Julia nang magsalita ito. "Wag ka ng umiyak... Baka hindi ka na magustuhan nung ligaw mo..."
Mahina siyang natawa at napailing. "Hindi ko manliligaw yon, Julia. Boss yon ni Kuya Jojo." sabi niya habang pasimpleng pinupunasan ang luhang tumutulo pala sa mga mata niya. Ni hindi niya namalayang umiiyak na pala siya dahil sa lalim ng iniisip niya. Hindi maawat ang mga luhang iyon. Kung kaya't pumikit nalang siya ng mariin at pinilit ang sariling makatulog.
"ATE TARA NA, bagal mo naman eh." aya ni Jojo sa kanya. Nakasuot ito ng uniporme pang gasoline boy dahil kinuha itong empleyado ni Giovanni. "Ano? Bagay ba? Gwapo?" biro nito sa kanya.
Natawa naman siya at naglakad papalapit dito. Nakasuot lang siya ng maong pants at simpleng kulay blue na blouse.
Hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Jojo at pinanggigilan iyon. Napangiwi naman ito. "Gwapo pa din!"
"Aray ate ha! Tingnan mo, mukha tuloy akong nagblush on!" reklamo ni Jojo kaya bahagya siyang napangiti.
"Arte mo! Tara na nga!" inakbayan niya si Jojo at naglakad na sila papalapit sa motorsiklo nila.
Siya ang nagmaneho niyon patungo sa highway kung saan ang gasoline station ni Giovanni.
Nang makarating sila doon ay nagulat pa siya ng makitang pulos mga naka-formal attite ang mga bisita. Maa-out of place siya kung makikihalubilo siya doon.
"Jojo, una ka na don. Dito muna ko! Bye! Sunod ako." mabilis niyang ani sa kapatid.
Tumango lang si Jojo at nagpunta na doon. Siya naman ay napabuntong hininga at umupo patagilid sa nakaparada niyang motorsiklo.
"Ang sosyal naman pala nito... Kung alam ko lang de sana nag-gown ako..." nanghihinayang niyang saad,
"Hi Miss!" napaigtad siya sa gulat nang may masalitang isang magandang babaeng nasa gilid niya. Hindi niya napansin na lumapit ito sa kanya.
"H-hello. Uh.." nahihiyang bati niya dito. Nakasuot ito ng desentemg damit pang-opisina.
"Bakit nandyan ka pa? Tara, punta na tayo don... I'm sure dun ka sa opening pupunta, right?" tumango siya bilang sagot.
BINABASA MO ANG
ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceJorgia Hoodsoon is the eldest daughter among the eleven children of a farmer in province. What will happen when she meet the drop-dead gorgeous man who happened to be her brother's boss? Will she survive her desire feeling to him? Or NOT? Start: M...