Chapter 29

115 2 0
                                    


ILANG BESES NA TINAWAG ni Van at tinapik si Gia pero hindi ito gumagalaw. Hula niya ay nawalan ito ng malay matapos ng ginawa nila. Medyo naguguilty siya dahil hindi niya nacontrol ang sarili.

He sighed deeply and carried Gia para maiayos ito ng higa. Kumuha siya ng white cotton towel sa banyo ng dalaga at nilinisan ang pagkababae nito at katawan. Matapos non ay imsinuutan niya ito ng maluwag na damit at panjama. Kinumutan niya rin ito pagkatapos.

Siya naman ay nagtungo sa sala upang kumuha ng damit sa dala nilang bagpack. Kinuha niya doon ang isang tshirt at pumunta sa kwarto kung nasaan si Eros. Nadatnan niya itong mahimbing pa rin natutulog. Pumasok siya sa banyo at naligo. Sinuot niya ang damit na kinuha at tinapon na ang damit na pinunit ni Gia kanina.

Bumalik siya sa kwarto ni Gia at inayos ang kama. Medyo nagulo iyon dahil sa wild nila kanina. Matapos non ay hinalikan niya an dalaga at nagtungo sa kusina para magluto ng pananghalian nila. Alam niyang hindi na makakapag luto ang dalaga dahil sigurado siyang pagod ang katawan nito.

Malaya siyang kumilos sa kusina na para bang sarili niyang bahay iyon. Nang matapos siya ay sakto namang lumabas si Eros sa guest room.

Hinubad niya ang apron at nilapitan ito. Nagpupunas pa ito ng mata nang nakita niya. Agad siyang ngumiti at nagsquat para salubungin ito ng yakap. Agad naman itong yumakap sa leeg niya.

Binuhat niya ito ay iniupo sa may upuan. Pinagmasdan niya ang anak habang inaayos ang buhok nito.

Sa palagay niya ay hindi purong Pilipino ang mga magulang ni Eros dahil moreno ito at matangos ang ilong. Kakaiba din ang kulay ng mata nito na electric blue. Mahahaba ang pilik mata at may maninipis na labi.

Kumurap kurap siya nang makitang nakatitig din sa kanya si Eros. Ngumiti siya at sumenyas.

"Is your daddy handsome?"

Ngumiwi ito bago sumagot ng senyas. "Yes. But tito Richardson and tita Danica said, son is more handsome."

Malakas siyang natawa dito at sumenyas. "They're right. Eros is more handsome than daddy."

"I know. Tita Gia said it too."

Kumunot ang noo niya at nanliit ang mga mata. "Do you want her to be your mom?"

Nagliwanag ang mata ni Eros at mabilis na sumagot ng senyas sa kanya. "I am more than okay with that! I like her to be my mom." Nakangiti nitong sagot.

"Yeah? I know you will like her. Because me? I love her." nakangiti niyang sagot sa anak.

Nagtuloy tuloy ang usapan nila gamit ang pagsenyas hanggang sa nagsabi si Eros na nagugutom na.

Ganito silang dalawa sa tuwing nasa bahay. Tahimik lang at tanging sa senyasan lang nakakapag-usap. Minsan naman ay gumagamit si Eros ng hearing aid, pero ayaw niyang madalas ipagamit iyon dahil namumula ang tenga ng bata pag sinusuot niya iyon.

Matapos nilang kumain ni Eros ay hinugasan niya ang pinagkainan nila habang si Eros ay naglalaro ng mga dala nilang laruan sa lamesa.

Nang natapos naman siyang maghugas ng pinggan ay nagpunta sila sa sala at nanood sila. Mabuti nalang at nagdownload si Gia ng mga movies na pangbata na may sign language kaya kahit hindi naririnig ni Eros iyon, ay naiintindihan naman dahil mayroon don na sign language.

Nagpaalam muna siya da anak na titingnan muna si Gia sa kwarto nito at sinabing sumunod nalang pag-nainip na sa kakapanood.

Nadatnan niya si Gia na natutulog pa rin. Dalawang oras na din simula nung nawalan ito ng malay. Hinaplos niya ang maganda mukha nito at pinakatitigan.

ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon