HINDI ALAM NI GIA kung bakit hindi siya mapakali sa inuupuan niya. Nasa loob siya ng eroplano nila dahil pauwi siya sa Pilipinas nang imbitahan siya ni Richardson dahil mag-pipitong taon na ang anak nitong si Jiro.
Isang linggo pa naman bago ang kaarawan nito. Pero masyado niyang namiss ang Pilipinas kung kaya't naisipan niyang umuwi na. Isang buwan niya balak manatili sa bansa bago bumalik sa palasyo nila sa England.
Malakas siyang napabuntong hininga at mariing ipinikit ang mga mata.
Relax, Gia. Malay mo hindi naman kayo magkita. anang isip niya na nakapag-pailing sa kanya.
That's not possible. Giovanni is Danica's cousin. Malamang sa malamang ay aattend yon.
Inihilig nalang niya ang ulo sa headrest ng upuan at pinilit na matulog.
Nang magising siya ay kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya sa Pilipinas. Nag-announce na ang piloto na maaari ng lumabas kaya tinanggal niya na ang seat belt na nakakabit sa kanya at tumayo na patungo sa pintuan ng eroplano.
Agad namang nakasunod sa kanya ang ilang bodyguards na ipinadala ng ama niya para samahan siya.
"Your highness, welcome back to the Philippines." magalang na bati sa kanya ng mga crew ng eroplano. Tumango lang siya at hindi nagpakita ng reaksyon sa mukha.
She walked like a queen. Paglabas palang niya nang eroplano ay agad na sumampal sa kanya ang mainit na klima ng panahon. Agad niyang isinuot ang Gucci shades niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagpasok sa airport ay maraming reporters ang sumalubong sa kanya. Hindi sapat ang mga bodyguards niya para harangan siya kung kaya't pati ang mga nagtatrabaho sa airport ay tumutulong para hindi siya dumugin ng mga ito.
Nang makalabas sa airport ay mabilis siyang pumasok sa isang puting SUV. Ayaw niyang gamitin ang lambo dahil masyadong agaw pansin.
"Oh my God. It's so hot here..." maarteng sabi niya habang inaayos ang buhok. "Hatid niyo po ako sa condo. Salamat."
"But your highness, the duke said you will stay in your mansion in Pampanga."
Pinanlisikan niya ito ng mata kaya nag-iwas ito ng tingin.
"Sa condo daw." bulong nito sa driver na kasama.
"Thanks." matamis ang ngiting ibinigay niya sa mga ito.
Kinuha niya nalangg ang cellphone para may mapaglibang habang nasa byahe.
Makalipas lang ang ilang minuto, nakarating na siya sa harap ng building kung saan ang condo niya. Napabuntong hininga siya nang makitang may iilang reporter doon.
Bumaba na sila sa kotse at agad siyang hinarangan ng kanyang mga bodyguard nang makitang tumakbo papalapit ang mga reporter.
"Princess Jorgia Hoodsoon, why did you visit our country?"
"What is the reason why you are here?"
Madaming tanong ang mga ito pero wala siyang sinagot.
Bakit? Bawal na ba ko dito sa kinalakhan kong bansa? Putek yan. Sige sila, pag sila ang tumapak sa bansa ko ipapakulong ko sila. anang masungit na bahagi ng utak niya.
BINABASA MO ANG
ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceJorgia Hoodsoon is the eldest daughter among the eleven children of a farmer in province. What will happen when she meet the drop-dead gorgeous man who happened to be her brother's boss? Will she survive her desire feeling to him? Or NOT? Start: M...