Chapter 25

108 2 0
                                    

IT'S BEEN TWO DAYS SINCE the last time she saw Van, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ito.

Lagi niya naiisip, sino ang asawa ni Van? Walang sinasabi sa kanya si Richardson kaya nagulat talaga siya nang malaman na may anak na pala ito.

It's not that she wants Richardson to update her about Van, but, yeah parang ganon na hindi. Naguguluhan siya!

"Ugh!" At dahil nga hindi siya makatulog nang maayos kakaisip sa lalaki, she keeps on searching on the internet about Van.

Pero walang lumalabas na article tungkol dito maliban sa may anak na siya. Walang pinakita at walang sinabi kung may asawa na ba ito o kung sino ang ina ni Eros.

"Badtrip!" inis niyang sigaw at tumayo para maligo. Inimbitahan kasi siya nila Danica ulit, lunch this time.

Nagsuot lang siya ng isang fitted mustard dress at pinarisan ng pumps. She applied thin make-up and messy bun her hair. She bought her pouch and spray a perfume.

Bumaba na siya at sumakay sa kotse para maka-alis. Kamalas malasan naman dahil naabutan siya ng traffic kaya mahigit isang oras bago siya makarating sa village. Nagpakita siya sa guard at agad na siyang pinapasok.

Mabagal lang ang pagmamaheno ni Gia habang papunta kila Danica. Pinagmamasdan niya ang mga bahay doon. Malalaki ang mga iyon at kulang nalang ay tawaging mansyon. May malalawak na bakuran bawat isang bahay. Iba't iba ang style ng mga ito pero pare-parehong magaganda. Hindi masakit sa mata.

"Nasan kaya ang bahay nila dito?" wala sa sariling tanong niya. Kapagkuwan ay napailing. "Bakit ko ba tinatanong. Wala naman akong pake don." umirap pa siya na para bang may kaaway.

Binilisan na niya ang takbo ng kotse at nakarating na siya kina Danica. This time, si Jiro ang sumalubong sa kanya. Natawa siya nang makitang wala itong damit pang-itaas at naka suot ng goggles.

"Hi tita Gia!" bati nito makababa siya sa kotse. "I want to hug you po but I am wet." nakapout nitong sabi.

Natawa siya dito at yumuko para mahalikan ang bata sa pisngi. "Ayan." tumawa siya ng mahina nang makitang namula si Jiro.

"L-let's go tita Gia... T-they are in swimming pool." nahihiya nitong sabi sa kanya at tumakbo na papunta sa pool side.

"Gia!!!" masayang bati ni Danica nang makita siya. Naka-upo ito sa gilid ng pool at nakalublob ang paa. Naka- two piece din ito kaya litaw na litaw ang malaki nitong tyan.

"Hi buntis!" natatawa niyang bati. Natigilan siya nang makitang nandon din si Eros na nakatingin sa kanya. Nakalubog ang kalahati ng katawan nito dahil mayroon itong suot na salbabidang bibe. Inaalalayan ito ni Richardson. "Hi, Eros, Richardson." umupo siya sa isang recliner. "Hindi niyo sinabi magsuswimming! Di tuloy ako nagdala ng extra clothes." Kunwaring nagtatampo niyang sabi.

Malakas naman tumawa si Danica at nagsalita. "Don't worry. Pinaghanda kita ng susuotin. I have extra bikinis there. Magpalit ka na bilis."

Tumango siya at agad pumasok ng bahay. Mayroon siyang nakalaan na kwarto sa bahay nila Danica kaya doon siya dumiretso. At tama nga ang sinabi ni Danica, mayroong limang bagong bikini doon at may ilan ding bagong underwear at clothes.

Pinili niya ang isang nude color na two piece. Di tali iyon sa leeg. Pagkatapos ay nagpahid siya ng sunblock na nakita niya sa cabinet at nagsuot ng robe.

Paglabas niya ng pintuan ay nagulat siya nang makita si Van na nakasandal sa pader. Hinihintay siya. Hubad baro ito at medyo basa ang buhok.

"W-what are you doing here?" tanong niya dito. Nakita niya kung paanong lumunok si Van habang nakatingin sa kanya.

ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon