Chapter 10

124 3 0
                                    


SPG

"TAY KUMUSTA KAYO DYAN? Kumakain ba kayo lagi ha? Wag kang masyadong nagpapagod sa bukid. Sa Biyernes uuwi ako."

Kasalukuyan siyan naglilinis ng sa kwarto niya. Tapos na niya ang sala at kusina. Ang susunod niyan ay ang kwarto ng kanyang boss.

Habang naglilinis siya kanina ay naisipan niyang tawagan ang ama.

"Anak, ayos lang kami dito. At oo di ako nagpapagod. Ikaw talaga, trabaho ang pinunta dyan pero hanggang ngayon nag-aalala ka pa rin."

Mahina siyan natawa sa tinuran ng ama. "Eh syempre 'tay! Kayo ang pamilya ko eh! Alangan namang porket napunta na ako sa syudad ay kakalimutan ko na kayo! Syempre mahal ko kaya, kaya gusto ko laging malaman kung kumusta na kayo."

Bumuntong hininga ang kanyang ama. "Anak, ayos lang kami. Wag mo na kaming intindihan dahil nandito naman si Jojo."

"Oo nga 'tay. Pero syempre gusto ko pa rin updated ako sa inyo no!"

"Osya siya sige. Ibaba ko na itong tawag, pakamusta mo nalang ako sa boss mo."

Natigilan siya ng maalala ang boss niya. Kahapon pa siya nito tinatanong kung taga-saan originally ang tatay niya. At ang tungkol sa kanilang apelido.

"Tay?" tawag niya dito bago ibaba ang tawag.

"Oh bakit 'nak?"

"Taga saan ka nga pala? I mean, hindi ka naman talaga taga-Pampanga diba?"

Natahimik sandali ang ama niya. "Oo 'nak. Bakit?"

"Eh taga saan ka nga? Nakucurious ako eh." palusot niya.

Mahina itong natawa saka nagsalita. "Na curious ba talaga? O tinanong ka ng boss mo kaya mo naisipang magtanong?"

Nanlaki ang mata niya at agad umiling iling kahit na hindi naman siya nito nakikita. "Naku! Tay hindi ah! Naku curious lang talaga ko!"

"Hmmm... Kapag nakauwi ka na Biyernes, sasabihin ko sayo."

"Pabitin mo naman 'tay! Baka scam ka ah!" natatawa niyang saad sa ama.

"Hindi nak! Sige na, kumain ka ng maayos dyan ah. Magpataba ka! Wag kang uuwi ng may dala ka na sa sinapupunan mo! Bye!" bigla siyang namula sa sinabi ng kanyang ama!

"Tatay talaga oh. Ang epal." mahina pa syang natawa.

Pinagpatuloy niya ang paglilinis sa kanyang kwarto. Nang matapos, ay sinunod naman niya ang kwarto ni Van. Nadatnan niya doon ang binata na natutulog habang nakatiya at walang suot na damit. Nakaboxer lang ito.

NAKAPIKIT PA SI GIOVANNI dahil kakagising niya palang. Hindi pa man gumigising ang diwa niya, nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya.

Agad niyang naamoy ang mabangong halimuyak ng babae. Hmmmm.

Naalala niyang Marte nga pala ngayon at ngayon maglilinis si Gia ng bahay bago sila pumasok sa opisina mamayang alas-10. Alas 5:30 pa lang naman.

"Hala! Tulog pa pala. Sabagay masyado pang maaga." mukhang wala sa sariling saad ni Gia.

He wants to smirk but he shouldn't because she will know that he is awake.

Natigilan siya ng naramdaman niya ang buhok ng dalaga sa mukha niya. Binuksan niya ng maliit ang mata at nakita niyang sobrang lapit ng mukha nilang dalawa. Tinititigan siya ng babae.

Naramdaman naman niya kaagad ang paggising ng kanyang kaibigan. Pasimple siyang nag-unat at gumilid ng higa. Pasalungat kung nasaan si Gia.

"Wow. Nice ass." pumito pa ito mahinang natawa.

ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon