CHAPTER SEVEN

125 2 0
                                    

"Salamat talaga Sir Giovanni. Nabusog ako!" natatawang ani niya habang nakahawak pa sa tyan niya.

Busog na busog siya dahil ang dami ng kinuha nito para sa kanya at inubos niyang lahat yon dahil ang ayaw niya sa lahat, ay nagsasayang ng pagkain.

"No problem. Uuwi ka na?" Giovanni asked her while smiling a bit. Mukhang may gusto pa itong itanong sa kanya.

"Ah, oo. Maghahanap pa ako ng bagong racket eh." napapakamot niya sa kilay na tugon.

Kumunot ang mga kilay nito. "Wala ka pang trabaho?"

"Wala Sir. Kasasabi ko palang diba?" sarkastiko niyang sagot.

"Gusto mo bang maging sekretarya ko?" mabilis nitong tanong na nakapagpalaki ng mga mata niya.

"Se-seryoso ka Sir?" tumango ito. "B-bakit sir? Dadalas ka ba dito?"

Natigilan ito at napaisip. "Uh. I mean in Manila. If that's okay with you."

Nalungkot siya bigla dahil ayaw niyang iwan ang mga kapatid at ama niya. "Sir. Uh, wag na po." awkward siyang tumawa. "Ayoko pong iwanan ang ama at mga kapatid ko eh."

"You could just videocall everyday. And," napaisip na naman ito. "And I will let you leave every Thursday and go back every Sunday afternoon." pang-eengganyo pa nito.

Napaisip siya. Pwedi na kaya yon? "Magkano naman ang sahod Sir?"

"Uh. 60 thousand monthly." mabilis nitong sagot.

"Ang laki naman non Sir! Ay kaso wala pa pala kong titirhan na apartment."

"You can live in my condo. I have two rooms there."

"Talaga sir?" tumango ito at ngumiti. "Sige sir. Kelan ba ako mag-sstart?"

"Tomorrow sana. I know hindi na makakapagtrabaho si Danica sa akin ngayon." makahulugan nitong sabi.

"Ah. Sige sir. Magpapaalam muna ako kila tatay."

Paalam niya kay Giovanni. Nagulat siya nang nag-aya itong sumama at gusto daw nitong ito ang magpaalam para sa kanya.

"Ano?! Anak, ang bilis naman." gulantang na tanong ng tatay niya.

"Eh tay. Ngayon lang ako inofferan nito eh." paninisi niya kay Giovanni.

"Oh sige. Desisyon mo naman yan. Uuwi ka naman pala linggo linggo kaya sige, ayos lang naman siguro yon." bumuntong hininga ito. "Oh siya maghanda ka ng damit mo."

Tumango siya kahit na nalulungkot. Kailangan mo 'to Jorgia para sa pamilya mo. Pampapalakas niya sa loob niya.

HINDI MAPAKALI SI Giovanni habang nakaupo sa sala nila Gia at hinihintay siya matapos mag-empake. Pinagpapawisan din siya sa paraan ng pagtitig ng ama nito sa kanya.

"Uh. Don't worry sir. I will take care of her." alanganin niyang saad.

"You should." nagulat siya nang sumagot ito. Alam niyang mag-sasaka lamang ito kaya nagulat siya sa bigla nitong pagsasalita ng English at kung tama ang pagkakarinig niya, may accent iyon kagaya ng mga taga-British.

"You should take care of my daughter or else, I will ruin your company." bigla siyang natakot sa sinabi nito pero pinanatili niya ang blanko niyang reaksyon.

Napatitig siya dito. Naka dekwatro ang upo nito and nakalagay sa armrest and isang kamay nito. Ang isa naman ay nakahawak sa baba at pisngi nito. Upong parang hari.

"Who are you Sir?" hindi niya mapigilang itanong dito.

Dahil kung ang pangkaraniwan lang na tao itong kaharap niya, hindi siya makakaramdam ng autoridad.

Para siyang nakaharap ngayon sa isang hari.

The man smirked. "You don't need to know. It's for you to found out."

"Tay! Aalis na po kami." bumama na si Gia kaya bigla siyang napatayo.

"Osige 'nak. Mag-iingat ka don ah?" masuyong tanong ng ama ni Gia dito.

Natigilan siya ng biglang magbago ang accent nito. Kanina pang-British, ngayon ay natural nalang.

"Sir? Tara na po." pukaw ni Gia sa kanya. Tumango naman siya at humarap sa ama nito.

"We'll go now." nag-bow pa siya. Ni hindi niya nakitaan ng anumang pag-alma ang ama nila Gia. Sa katunayan niyan, taas noo pa itong tumingin sa kanya.

"Sige. Ingatan mo ang anak ko Sir." madiing pagkakabigkas nito ng salitang Sir.

"I will."

NAIINIS NA SI GIA HABANG papunta sila sa Manila. Nagtataka din siya nang hindi na nila kasama sila Danica at Jiro.

Naiinis siya dahil kada minuto ay tinatawag siya ni Giovanni ngunit pag sumagot siya ng BAKIT? ay iiling ito at mapapalatak.

"Gia?" tawag nito ulit sa kanya. Hindi na niya ito sinagot dahil napapagod na siya. "Gia? Hey. You mad?"

Napabaling siya dito at pinandilatan ng mata kahit na sa daan ito nakatingin.

"Alam mo? Ang gulo mo naman Sir eh! Kanina ka pa tawag ng tawag sakin tapos sa tuwing sumasagot na ako ng bakit, iiling ka lang! Ano ba talagang gusto mong itanong?! Itanong mo na!" sigaw niya dito.

Halatang natigilan ang lalaki dahil sa biglaang pagtataas niya ng boses. Sumulyap pa ito sa kanya at binalik din ang tingin sa daan.

"I'm sorry." hingi nito ng tawad sa kanya. "I j-just want to ask your father's name."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya iyon. "Pucha?! Yun lang?!"

"Hey. Bad words!" sita nito sa kanya. He sighed. "Yes."

"Ewan ko sayo!" umiling iling siya. "Marcus Daniel Hoodsoon, yan ang pangalan ni tatay."

"H-hoodsoon?" matagal ito bago nagsalita ulit. "Is he related to the late Duke Daniel Hoodsoon in England?"

"Huh? Anong duke ka dyan? Ewan ko sayo Sir. Baka nagkataon lang."

"Hmmm. May I ask kung taga saan siya? Originally."

Natigilan siya sa tanong nito. Taga saan nga ba? "Hindi ko alam eh. Nakalimutan kong itanong."

"Oh. Uhm, marunong ba siyang mag-English? Ah, wag mong masamain ang tanong ko. I'm just purely curious and asking."

Natawa naman siya. "Of course, we can understand and talk English. Sikat pa nga ako sa school namin dati dahil may pagka-British accent daw ako."

Naalala na naman niya ang mga panahong kinukuha siya para mag-host sa mga event dahil magaling siyang magsalita sa harap ng maraming tao at maganda din ang accent ng pagsasalita niya. British amputa.

"Yeah. They're right. You sounds like a British."

"Talaga ba? Haha! Thank you!"

"Uhm. Can I ask more question?"

"Sure! Pero magtatagalog na ako ah? Ayokong mag-English eh. Masakit sa head." biro pa niya.

A/N: Hmmm? What do you think about Gia's father?

ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon