"Boss, pasensya na ah? Ginising sardinas lang ang lulutuin ni ate. Wala pang sahod eh." nahihiyang saad ni Jojo.
"It's okay. Hindi naman ako picky sa mga pagkain." Hindi, hindi okay dahil mapili ako sa pagkain. Gusto ko lang talagang matikman ang luto ang ate mo. sabi ng isip niya kaya palihim niyang iniuntog ang ulo niya sa sandalan ng upuan.
Ang totoo nyan, natigilan siya nang makita ang mukha ng babaeng iyon na halatang nainis dahil sa biglaang pagtawag niya. Nagpunta kasi siya rito para personal na imbitahan si Jojo para bukas sa opening ng Van Gasoline Station. At... para na rin makita niya ang ate nito na sa kwento ni Jojo ay matapang daw. At tama nga ito, matapang nga.
"Ate. Lika dito, papakilala kita." tawag ni Jojo sa ate niya. Napaayos naman siya ng upo nang pumasok ang babae. "Ah, boss, ate ko po. Jorgia po ang pangalan niya. Ate, si boss Giovanni de Carpio."
"Giovanni de Carpio? Parang pamilyar?" nag-isip pa ito habang nakaturo ang daliri sa baba. "Ah! Alam ko na! Kaya pala pamilyar ka eh!"
His brows frown. "Why?"
"Ikaw pala yung future asawa ko." at para itong baliw na tumawa. Napasapo naman sa noo si Jojo at tumingin sa kanya na parang humihingi ng tawad. Tinanguan niya lang ito at bahagyang nginitian.
"Ate nakakahiya ka talaga. Kanina nakanganga ka, tapos ngayon naman para kang baliw!"
"Eh? Nakanganga?! Gusto mong sapukin kita dyan bata ka?!" sigaw ni Jorgia sa nakababatang kapatid.
Agad naman napaatras si Jojo sa sigaw ng kanyang ate.
Tumikhim naman siya at nalipat sa kanya ang matalim na tingin nito.
"Ano?! Gusto mong tubig?! Ede bumili ka! Mineral lang ang tubig namin dito at hindi distilled!" nagulat siya sa sigaw nito sa kanya pero hindi niya pinahalata.
"Ate magluto ka na lang don. Kaya di ka makahanap ng boyfriend eh, para kang dragon." binulong na lamang ni Jojo ang huli nitong sinabi.
Umirap muna si Jorgia bago naglakad papuntang kusina.
Nag-usap muna sila ni Jojo at inimbitahan niya ito.
"Ah, opo Sir. Pinagdalan nga ho ako ng secretarya mo kahapon."
Natigilan siya. "Really?" I didn't know.
"Opo sir. Kaya nga ho nagtataka ako kung bakit niyo pa ko pinuntahan eh samantalang pinadalhan na ako ng imbitasyon." nahihiyang tugon nito.
Napaiwas nalang siya ng tingin at iniba na ang usapan.
"Where's your dad and mom?" he asked. He saw him stilled a bit then looked in the kitchen before answering.
"Si tatay ho, nasa bukid pa. Si nanay... Actually po wala na. Sumama sa kano." Jojo slightly laughed painfully.
"Oh. I'm sorry." mabilis niyang hingi ng tawad dito.
"Okay lang sir! Masaya naman na ho kami eh. Yun nga lang, ayaw na ayaw na naririnig ni ate ang pangalan ni nanay. Nagagalit siya ng husto. Malaki ang galit non kay nanay dahil simula kasi nung iniwan niya kami, natigil na sa pag-aaral si ate. Pangarap pa naman niyang maging guro."
"So, hindi na siya nag-aaral?" gulat niyang tanong.
"Opo eh. 2nd year college na dapat siya ngayon. Natigil. Ako naman po, 1st year na sana. Kaso natigil din. Kaming dalawa ni ate ang nagtatrabaho ngayon, si tatay naman si bukid. Medyo mahirap nga lang dahil onse kaming magkakapatid..."
"Eleven?!" gulat niyang tanong. Natawa naman si Jojo at napakamot sa kilay.
"Oho, eleven nga. Ang bunso namin ay dalawang taon palang."
Tumango tango siya. "I think it was hard for all of you."
"Yes sir. Sobra. Pero kakayanin. Si nanay lang naman po ang nawala e, nandyan pa si tatay." nakangiting saad ni Jojo. Akmang sasagot siya nang may marinig silang nagsalita.
"Wag niyong pinag-uusapan yung taong patay na. Baka multuhin kayo." nanigas sa kinauupuan si Jojo at agad nawalan ng kulay ang mukha. Pati siya siya ay nilamig sa boses ni Jorgia.
"A-ate..." Jojo called his sister but Jorgia gestured them to go to the kitchen. Tahimik naman silang sumunod dito. Hindi niya alam kung bakit pati siya ay natakot dito.
Umupo silang dalawa ni Jojo sa upuan sa harap ng kahoy na lamesa. Habang si Jorgia naman ay walang reaksyon ang mukha habang naglalapag ng pagkain para sa kanilang tatlo.
"Tayong tatlo muna ang kakain. Mamaya pa daw makaka-uwi sila tatay." malamig na saad ni Jorgia. "Kain na."
"Pa-pasensya na ate..." sabi ni Jojo na todo ang pagkakayuko.
"Ayos lang."
"Uh, I'm sorry if I asked about your family I didn't mean to ---" sumingit na siya sa usapan ngunit hindi na siya natapos ni Jorgia.
Padabog na nilapag ni Jorgia ang lagayan sa lamesa kaya nagulat sila ni Jojo. "Ayos na. Kumain na kayo." at tumingin ito sa kanya gamit ang malalamig na mata. "At wag ka na ulit magtatanong kung ayaw mong pugutan kita ng ulo dito mismo sa pamamahay ko."
He gulped and nodded without saying anything. He think now, driving from Manila to Pampanga for him to go in Jojo's house and meet his sister was scary as fuck. He didn't expect it though.
Inumpisahan na nilang kumain. Tahimik lang ang magkapatid pati siya. Sumandok siya ng kaunting kanin at kaunting ulam. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano iyon. Kulay pula iyon na may bilog bilog na dahon at may isa pang klase ng dahon doon, siguro eto yong pinipitas ni Jorgia sa bakuran kanina.
"MASARAP BA?" she asked Giovanni.
Natigil ito sa pagsubo ng kanin at ulam at napatingin sa kanya. Wala itong reaksyon na tumango at kumain ulit.
"Uh, boss, ate? Magbibihis lang ako saglit ah?" paalam ni Jojo, tumango lang siya at hindi na nagsalita.
"Sure." ani Giovanni na maganang kumakain.
"Sige po. Kain kalang dyan boss. Hindi yan kasing mahal nung mga nasa restaurant pero dahil luto yan ng ate ko, special yan." Jojo winked at her kaya medyo natawa siya at napailing. Finally, gumaan na din ang atmosphere sa kanila.
"Bolero ka!" sabi niya. Tumawa lang ang kapatid niya at umalis na papunta sa kwarto nila.
Nang maiwan silang dalawa ni Giovanni, wala ni isa ang nagsalita sa kanilang dalawa. Ang totoo niyan, naguguilty siya dahil sa pagbabanta niya kanina.
Nakita niya kung paanong takot na lumunok ito kanina at dumaan din ang takot sa mga mata nito.
"Pasensya na sa mga sinabi ko. Nagalit lang ako." mahina niyang sabi. Narinig naman niyang napatigil sa pagkain si Giovanni kaya napatingin siya dito.
Hindi ito nakatingin sa kanya. "It's okay. Hindi ko rin sinasadya na magtanong ng ganong kapersonal na bagay. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. I'm sorry, Jorgia."
![](https://img.wattpad.com/cover/227288994-288-k284043.jpg)
BINABASA MO ANG
ROUGH MEN SERIES 1: Giovanni de Carpio (COMPLETED) (UNEDITED)
RomansJorgia Hoodsoon is the eldest daughter among the eleven children of a farmer in province. What will happen when she meet the drop-dead gorgeous man who happened to be her brother's boss? Will she survive her desire feeling to him? Or NOT? Start: M...