Gusto kong maging abogado. Maraming dahilan kung bakit.
Walang abogado sa pamilya. Merong pamangkin sa pinsan ang tatay ko na nagtatrabaho sa Supreme Court pero hindi kami close noon. Noong huli kaming nagkita, kailangan pa nga nya ang Tita ko para ma-recognize kami.
May mga pinsan naman ako na mukhang successful. Bata pa lang ako hinahangaan ko sila. Para kasing matatalino. Kung ano-ano ang sinasabi. Kaya nilang magkumento sa iba't ibang issues na binabalita sa isang araw. Graduate sila ng U.P. Diliman. Maraming mayayaman doon. Ako hindi pa. Hindi ako graduate sa ano mang top university. Kaya nga noong sinabihan ako ng isa sa mga pinsan ko na "idiot" daw ako, hindi na ako nakipag-argue sa kanya.
Ang dami ko pang naiisip na mga dahilan kung bakit ako nag-enroll sa law school na as of this point ay wala pang graduate na nakapag-top sa bar exams, pero feeling ko kasi may special powers ako.
Kahit pa napagkamalan ako ng isang nagdedeliver ng tubig sa bahay namin na "utusan" o "katulong" ng magulang ko, I have special skills.
Naging honor student ako noong college. Muntikan na rin akong magsimula ng kulto noon. May isa kasi akong schoolmate na, ewan ko, lumalapit pa lang ako sa kanya upang kamayan ko eh nanginginig na. Pero, siguro tulad ng ibang mga nagsimula ng kulto, naghahanap lang naman tayo ng mga makaka-appreciate sa atin ng totoo.
Pagdating naman sa pag-ibig, alam kong mahal ako ng pamilya ko. Wala pa akong lovelife. Isa ito sa mga dahilan kung bakit feeling ko demigod ako. Feeling ko kasi may destiny ako na iniingatan ng buhay, although ang sakit sa heart ng proseso na ito.
May niligawan ako noon. Minahal din naman pala nya ako. Pero di nya ako sinagot dahil nahihiya sya. Makalipas ang ilang taon, nag-chat pa sya na hinahanap nya yung binigay kong stuffed toy sa kanya. Sinunog naman nya yung ilang mga tula na binigay ko noong nakita nyang nakapagmove on na ako. Sinunog nya para di na raw nya maalala kasi nasasaktan sya.
Mahal nya ako pero hindi nya ako sinagot. Kaya ang ginawa ko naman ay pinakita ko na na-i-upload ko sa isang website yung sinunog nya. Wala ring saysay yung ginawa nya. Sabi ko eh kung maging sikat na writer ako baka sakali maibenta nya ng mahal yung signed, hand-written manuscripts na binigay ko sa kanya. Hindi raw na nya naisip yun.
Pero sa mismong enrollment ko sa school ay naipakita ko ang demigod powers ko.
Ganito kasi yan. Aside from a bachelor's degree, kailangan i-make sure na may mga natapos ka na mga subjects na 18 units sa English, 18 units sa Social Sciences, 6 units sa Mathematics. Hindi ko alam kung bakit sa evaluation ng ilang Accounting Majors ay kulang sila ng math subjects at kung bakit isang Language Major ay kulang ng English subjects, pero ang di ko matanggap ay ako sa isang licensed social studies teacher pero sa evaluation ay kulang daw ako ng three units ng social science subjects. Ako ay nagturo sa ilang may degree sa social science na nasa law school na rin, tapos ako ang may kulang sa units?
May mga kasama ako sa enrollment noon na hindi na nila nilaban yung nasa transcript of records nila. May subject ako noon na "Tools for Community Development." Ayaw i-credit ng registrar namin. Pero mabait naman sila. They advised me to go to the college department of social sciences sa university na ito para magpa-certify.
Kaya ayun. Na-convince ko yung Dean nila doon na dapat i-credit yung subject na yun.
Diba ang galing ko? Demigod ako eh.

BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Short StoryKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...