Dapat Bang Sinabi Ko Agad Kay Mystique?

42 2 0
                                        

Si Mystique lang ang parang major good news sa akin ng taong 2020. I appreciate the friendship. Kaso, noong December, medyo parang lumalala yung anxiety attacks ko. Nagkakaroon ng mga nerve pains. Ang hirap pa nito kapag may handwritten activity sa law school.

Maliban dito, madalas gusto ko rin naman mag-aral, kaso I am bothered by some of my health issues. Naiinggit nga ako sa ibang tao na healthy. Sayang kapag sinisira lang nila ang health nila.

Tapos, noong December din, medyo nagkaroon kami ng misunderstanding ng isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ko. Tapos hindi ko gusto yung mga naririnig ko na sinasabi sa amin na mga bumagsak sa isang subject. May mga sinisisi kami dahil sa aming pagkukulang. First time kong maranasan yun.

Bago matapos yung taon, naisipan kong sabihin kay Mystique yung nararamdaman ko para sa kanya.

Nagulat sya. Hindi raw nya ineexpect. Sana daw hwag akong magmadali.

Okay lang sa akin yon. Hindi naman din ako nagmamadali. Siguro lang ang daming nangyayari noong taon na yun. May mga ibang parte ng buhay ko na parang maraming mabibilis na nangyayari, at di ko gusto ang mga nagiging resulta. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung ano ang mabilis at mabagal. Ito ay dahil kahit may mga gusto akong pigilin ay natutuloy pa rin. At minsan gusto ko lang na mapag-isa at makasama ang mga taong importante sa akin, gusto ko lang na matahimik, pero hindi ako pinagbibigyan ng Kapalaran sa katahimikan na hinihiling ko. Ang ingay ng mundo.

Sa sobrang daming nangyayari sa buhay ko, madalas kapag ikinukwento ko ito ay summary na lang. Walang oras para i-explain lahat ng mga detalye. Mabilis ang takbo ng mga panahon. Hindi ko na masyadong nakukuwento ang mga conversations unless balikan ko ng maigi o tignan ang naging usapan namin sa Messenger, Viber, and email.

Tapos dahil nirerespeto ko ang privacy ng mga tao at mga napagkasunduang confidential na information, hindi ko sinasabi lahat. Kinikimkim ko lang. Kaya naman minsan kapag nagkwento ako ng true story, tingin noong iba ay fiction lang.

Ngayon nga napagisip-isip ko kung dapat bang nagtapat ako kay Mystique noon. Ang ingay lang talaga ng mundo ko noon. Hinahanap ko ang sarili kong boses. Ang daming nagsasalita. Ang daming may sinasabi. Ang daming nagrerequest na gawin ko ito o gawin ko iyon. Ang dami ko rin na pinipigilan na gawin ko na nakakasagabal sa aking pag-aaral.

Dati hindi ko masyadong pinapansin ang sinasabi ng aking puso dahil lagi naman akong may ginagawa o dapat gawin. Matagal na simula napagbigyan ako ng panahon na mamuhay ng normal, at di na ako sanay. Naghahanap din ako ng mga authentic na tao. Gusto ko yung totoo lang. Gusto ko yung nagsasalita. Mas gusto kong naririnig ang sinasabi nila o nakakabasa ng mga messages galing sa kanila kaysa sa mga naririnig at nababasa ko mula sa ibang mga tao pakiramdam ko ay wala namang concern talaga sa akin.

At least si Mystique, akala ko libre syang nakakapag-express ng sarili nya. Isa yun sa mga nagustuhan ko. Engaging naman syang kausap.

Kaya para manahimik yung mga boses sa paligid, pati na rin na may dahilan na tanggihan ang mga pagtawag ng ilang mga kaibigan na puntahan o gawin ang ilang mga bagay-bagay, pinili ko na sabihin ang pinaka-obvious na sinasabi ng sarili ko. Ito yung mag-tapat kay Mystique.

Sinabi ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaso, sabi nya friends lang daw. She's more than willing daw to be a friend and okay lang daw na makipagkwentuhan sa kanya.

Okay lang yung ganoong deal. Pero, simula noon, bihira na sya mamansin.

Magfofocus na sana sa kanya ang video camera ng buhay ko, kaso dahil nirerespeto ko desisyon nyang hwag mamansin, umingay ulit ang mundo ko.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon