May Final Exam Pa Ba?

34 0 0
                                        

Hindi ako nakauwi ng probinsya nang magsimula ang quarantine.

Noong umpisa, feeling ko lugi ako dahil wala gaanong mga trees and open spaces dito sa Metro Manila. Mga ganon pa naman ang hinahanap ko. Sa dami ng problema ng bayan, gusto ko na makasinghot o makalanghap ng malinis na hangin.

Pero dahil uncertain kami kung magkakafinal exam pa ba, ako ay naiwan kasama ng aking pamilya at mga libro. Hindi ko na natuloy ang summer vacation na gusto kong maganap.

Kaso, may mga kaklase ako na naiwan ang kanilang mga libro at iba pang reviewers sa mga dorms na tinutuluyan nila. Nakaawa pa nga yung iba na hindi reliable ang internet connection nila.

May two months din yata na inabot na sasabihan kami na magkakafinal exam kami, tapos maka-cancel. Sa bawat announcement, kami ay maghahanda. Kami ay magrereview. Tapos, maka-cancel. Ilang beses naulit yung cycle na iyon. Para kaming nasa military training at marami kaming mga drills.

Todong effort ang ginawa noong mga nanghiram pa ng mga notes.

Buti na lang may mga kaklase kami na nagsesend ng mga notes at reviewers nila sa mga Group Chats namin. Kailangan talaga magtulungan sa law school.

Hindi madali ang ganitong setup.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon