Friends Who Give Comfort

32 1 0
                                        

Simula noong January, and even until today, mas lalo kong nakita ang importance ng tamang mga relationships. Masaya ako na maayos ang pamilya ko. Ang hindi lang ako sigurado ay yung mga nasa labas nito.

This was why I started visiting some people na nakilala ko before I entered law school.

Isa ito sa mga tip ko sa mga papasok pa lang sa law school. Make sure you have a healthy support system in and outside law school. Try setting it up if wala pa. Pero make sure na hindi mo lang sila gagamitin para maging okay ka. Try also being there for them. Masaya nga ako na malaman na may isa akong friend na masaya at nagreply ako sa kanya after four months. Grabe. Ganoon pala akong tao.

Kaya I started visiting friends. May mga nilibre ako sa kanila. Alam ko naman kasi na dadaldalin ko sila ng matagal, kaya maganda rin naman na manglibre ako. Matagal akong mangdaldal. Nangiistorbo talaga ako.

Na-appreciate ko rin naman yung mga nagsabi na they want to meet and talk to me again kahit na magkanya-kanya kami ng bayad. Yung iba naman, nangako na sila yung manglilibre sa akin pero hindi pa lang natuloy dahil nagkaroon ng quarantine.

Madaldal ako. Ang dami kong kinukwento. Alam nyo ba yung dahilan kung bakit ko sinusulat ito? Ito ay dahil nakakapagod magkwento at mag-type ng paulit-ulit. Minsan, may tinawagan ako na friend ko noong college pa ako. We only met three or four times in the last eight years after my graduation. Limang oras kaming nag-usap over the phone. Halos ako lang yung nagsasalita. Sa ibang mga tinawagan ko, ang minimum ng paguusap namin ay one hour to update them sa mga nangyayari sa akin. Ito ay maliban na lang doon sa mga madalas kong makausap na kahit pakonti-konti na lang mga sinasabi ko, they can remember the history and reason why I am here where I am today.

Pero I also tried talking through Facebook Messenger. Noong umpisa, I did copy and paste. Kaso, dahil may mga mangyayari ulit, kailangang kong dagdagan. Tapos, I wrote a 4-paged file and sent it to one of my friends. Natuwa ako dahil tinanggap nya ako kahit hindi ako okay. After that, I wrote a 24-paged file and sent it to other friends. Parang feeling ko, through that way, we can exchange messages in their own sweet time kahit hindi ko sila istorbohin ng tuloy-tuloy. They would be sending me questions, comments, and encouragements as they go through points na tingin nila may gusto silang sabihin sa akin.

I was a really broken person. Hindi lang yung puso pati yung identity ko. I felt I was shattered to pieces. Na-realize ko na writing could help, and yung nababasa nyo ngayon ay mga bagay na may ambag na ang mga ibang tao dito. At dahil may mga nababasa ako na they want to learn or be encouraged from real stories who also went through an internal healing process, this is why I shared this story.

Hindi pa ako fully okay. Isa pang dahilan kaya ko ito sinusulat kasi may hinahanap ako. May gusto akong ma-realize to help me cope with the stress and pressure of transitioning to the "new normal."

Pero ang laki ng tulong ng friends. Hindi naman lahat ng pinadalan ko ng request to talk ay nag-approve. I am so thankful to friends and family members who have been journeying with me. They deserve to be recognized here, even if I do not mention their names one by one for the sake of confidentiality. 

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon