Noong January pa lang ay may namatay na dahil sa coronavirus dito sa Metro Manila. Marami nang mga grupo ang nanghihingi ng lockdown or quarantine doon pa lang pero hindi ito pinagbigyan ng gobyerno.
Tuloy-tuloy pa rin ang ating pakikipagtungo sa China kung saan nanggaling ang COVID-19.
Hindi tayo agad naglagay ng travel ban para sa mga pupunta o manggagaling sa China at sa mga bansang affected.
Pagdating naman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), meron tayong issue na hinaharap na involved ang mga Chinese operators nito. Actually, humihingi din ng tulong ang Chinese government na habulin at ipasarado ang mga Chinese POGOs. Sa senado, si Sen. Koko Pimentel ay nagpapahayag na dapat itong ipasara. Ngunit hindi ito pinakinggan o binigyan ng suporta mula sa executive department.
Compared sa nakaraang taon, mas bawas this year ang budget ng gobyerno para sa health.
Dumami na ang cases ng coronavirus ng March pero iniisip ko kung may kinalaman ang Valentine's Day sa pagdami nito.
Baka isipin nyo lang na bitter ako, pero baka nga talaga na kaming walang ka-date noong Valentine's Day ay mapalad pa dahil wala kaming naging very close contact or special touch sa ibang tao. Siguro yung siksikan sa jeep, bus, at iba pang public transport, yes. Pero yung nakaholding hands man lang, wala kami noon. Yung iba nga, hindi lang holding hands ang ginawa. Weekend pa naman nangyari yung Valentine's Day this 2020.
Marami pa akong pwedeng idagdag sa listahan kung paano lumala ang sitwasyon ng bansa in connection to COVID-19, pero I personally blame the stuff people did, the places they went, and the areas they may have scattered the virus during Valentine's Day. Nagkaroon ng mass transmission noon.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Storie breviKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
