Finally, nagdesisyon ang aming university na bibigyan pa rin kami ng final exams sa law school. Final na raw ito talaga at mangyayari na.
Personally, hindi ko ramdam yung mga problemang nararansan ng ibang mga students. Sa area namin, maayos ang internet connection. May mga oras na na-disconnect kami pero hindi sya malaking sagabal.
Siguro nakatulong din na natapos ng mga professors halos lahat ng mga lessons namin para sa klase. Kaso, hindi lahat ng sections ganun. May mga delayed ang lessons nila.
Kaya sa mga online discussions nila habang sila ay naghahabol, may mga nakakaranas pa rin ng internet disconnection. May mga hindi nakapagparticipate at all.
Noong mismong first day ng exams ay bumagyo. Kinailangang i-cancel ang exams that day. May mga nawalan ng internet connection.
Iba't iba ang pamamaraan ng mga professors sa pag-conduct ng online classes, quizzes, and exams. Pero common yung may deadline o time limit sa pagsagot. Kaso, ang hassle nito kapag kaunti lang yung oras na ibinigay ng professor para sagutan ang bawat item tapos biglang magkakaroon ng blackout. Mawawalan ng kuryente. Mare-restart yung wifi. Magkakaroon ng problem sa data connection.
Pero sana talagang nakatulong ang mga exhortation ng university administrators and ibang government officials na mas maging considerate sana ang mga professors sa kanilang mga students.
Kaso, sa ibang school, may nagpagawa pa sa akin ng assignment. Bago raw kasi yung deadline nila sa isang subject, biglang binago ng professor nila yung requirements. So, biglang kailangan nilang magbasa at maghanda para sa mga bagong academic demands ng professor nila. Nirequest na lang ako ng isang kaibigan na gawin yung assignment nya sa isa nyang subject. Nakita ko reading list nila sa isang subject pa lang. Ang dami!
Humihirit pa nga sya ng isang beses pang tulong para sa isa namang subject. Sabi ko di ko na kaya. May health issues ako at may iba pang gagawin.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
NouvellesKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...