Nag-volunteer ako sa isang non-government organization (NGO) na nagreresearch para sa mga nanghihingi ng legal advice ngayong quarantine. Kailangan ko kasi magkasilbi eh.
Regardless kung anong political views natin, hindi sariling opinion ang dapat na binibigay natin. We have to give people valid legal basis or options para matugunan ang kanilang mga problema. At hindi pala sa lahat ng bagay ay pwede natin silang kampihan dahil ang gusto nila ay maaaring labag sa batas. For example, may isa na gusto nyang magkasweldo kahit hindi sya nagtatrabaho. Tutulungan naman sya ng company na makapag work from home pero ayaw nya. Syempre hindi sya kakampihan ng batas doon. Maaaring pagbigyan sya ng company at hindi sya tanggalin sa trabaho, pero makakasweldo lang sya kapag sya ay nakapasok na sa work. Pero may ibang mga options din naman sya if he really needs money. May grievance mechanism naman na para sa kanya.
Pero nakakalungkot ang mga naaapi. Nakakaawa yung mga sinaktan kahit hindi naman lumaban. Nakakaawa ang mga binaril ng walang kalaban-laban. Nakakaawa yung mga nagugutom. Nakakaawa ang ating bayan.
Nakalabas ako minsan. Tumulong ako bilang bus assistant sa isang free shuttle program na binibigay ng ating gobyerno para sa mga health workers. Nakita ko doon kung gaano kalayo ang nilalakad ng mga health workers na walang sasakyan para lang makarating sa kanilang mga trabaho pati na rin sa pick-up points ng shuttle services ng gobyerno. At nilalakad na lang nila kapag hindi na sakop ng shuttle yung hospital na pupuntahan nila.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Historia CortaKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
