May forever ba?
Yan ang isang tanong na sana ay hindi si COVID-19 lang ang makakasagot.
Nakakita ako ng account sa Facebook na "Coronavirus" ang pangalan. Pinadalan ko iyon ng budots video ni Bong Revilla. Baka sakali maisipan na ng virus na umalis ng Pilipinas. Doon man lang ay magkaroon ng praktikal na silbi ang video na iyon para sa Pilipinas. Kaso, dumami pa yata yung kaso ng coronavirus pagkatapos noon. Sensya na.
Nabasa ko sa isang Facebook friend ko na ekonomista at sikat na Dean ng isang top university about the concept of "trade off." Normally, binabatikos nito si President Duterte. Pero, sa issue ng pagbubukas ng ekonomiya paunti-unti ay parang pabor itong ekonomista na ito. May mga ibang ekonomista rin na ayaw kay Duterte pero yun din ang suggestion nila.
Yung "trade off" na tinatawag nila ay yung pagbalanse o pagpili kung anong mas importante between human life and the economy. Tama naman na kailangan na proteksyunan ang human life pero kailangan din kasi ng pera para mangyari ito. Kailangan na may pangbayad ang mga tao at kailangan na may pangsweldo ang mga kumpanya kahit na willing yung ilang mga mayayaman na magdonate ng malaking halaga o magbigay ng special benefits habang may public health issue tayo. Hindi pwede i-asa lahat sa gobyerno.
Kaya kailangan daw ng "trade off" at kahit hindi ito pilitin ay mangyayari pa rin. May mga tao na hahakbang and they would take the risk between their own livelihood and their safety. It is natural for people to wish to survive, especially kapag nagugutom na at lumalaki ang pangangailangan.
Ayaw natin ng ganito. Sana hindi magtagal.
Pero sana yung sitwasyon ngayon ay nakakapagpabago na ng ating pananaw sa buhay. Sana mas nakikita natin kung anong importante. Sana mabuksan ang ating mga mata sa mga problema ng lipunan at makita na hindi tayo dapat nagtitiwala sa politiko. Hindi natin sila kailangang i-defend sa mga maling ginagawa nila. Hindi tayo pwedeng magtanga-tangahan.
Tamang mga akyson, hindi hamak na opinyon, ang makakatulong sa atin.
Saka hindi na tayo dapat sumasama sa gumugulo sa lipunan. Hindi rin tayo dapat magpa-sway o magpa-uto kapag parang may pinagtatakpan ang mga lider, sa public and private sectors, kaya kung ano ano ang sinasabi o binabalita nila. Ayaw natin na sa show na pinapalabas nila eh ang taong bayan ang mananakawan at mapapahamak.
Sana umalis na si COVID. Pero sana makita rin natin ang mga dahilan kung bakit o paano nakapasok ang pandemic na ito sa bansa, bakit ito lumala, at kung may iba pa bang pandemic na dapat gamutin. May mga pandemic na sumisira sa dangal, lakas, and tiwala ng ating bayan. Kaya yung #HealAsOne natin, maganda sana kung kasama dito ang masakit na pag-gamot na nakatutok sa sanhi at epekto ng mga sakit sa lipunan.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Short StoryKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
