Ang Kamao At Baril Ni Kapitan

26 0 0
                                    

Isang hapon ay nakatanggap ng ayuda ang aking pinsan. Ito ay isang pack ng relief goods. May konting bigas, noodles, at de lata.

Medyo natawa sya dahil anim silang pamilya na maghahati-hati doon.

He took a picture of the relief pack and he posted it sa Facebook nya. Hindi naman naka "public." Naka "friends-only" yung privacy.

Kaso may kamag-anak kami na kagawad ng barangay. Ipinakita ito sa barangay captain. Nagalit ang kapitan.

Noong gabi na iyon, pinuntahan ng kapitan ang pinsan ko sa kanilang bahay. Sya ay pinalabas. Sya at sinuntok at tinutukan ng baril.

Pinadala pa ng barangay captain ang aking pinsan sa police station. Kaya ako ay tinawagan ng mga iba pa naming kamag-anak para magbigay ng advice. Wala na silang ibang mapuntahan.

Bigla tuloy akong nakapagreview ng Constitutional Law at Criminal Law.

Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Sila ay nasa probinsya. Ako ay nasa Metro Manila. Hindi ko sila mabisita.

Buti naman ay pinalaya ang pinsan ko kinabukasan.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon