Sya daw ang pinaka-strikto na professor sa law school. Ang dami na nyang namurang estudyante. Marami na syang ipinahiya mula sa ulo hanggang sa talampakan, at baka pati na rin dinamay na nya ang mga kaibigan, kapamilya, at buong mundo sa panglalait nya sa mga students nya.
Tanggap na naman syang ganun.
Pero talagang matindi sa pagbibigay ng grades. Marami syang binabagsak. May mga graduating students na hindi nakakagraduate dahil sa kanya hanggang sa mag-transfer na lang sila sa ibang school.
Isa sa mga kinakatakutan namin mangyari ay yung hindi kami pagbigyan na magrecitation. Mahalaga yung chance na makasagot sa recitation ang isang law student. Pero may mga naririnig kami na pangyayari na, pagkatapos tawagin ang kanilang pangalan, bago pa man sila makatayo eh sinisigawan na sila ng: "BOBO! Hwag ka nang sumagot."
Minsan, tanggap mo pa yung magkamali ka sa pagsagot kaysa sa completely hindi ka pagbigyang makasagot. At least nagka-chance ka pa to try yourself.
Sya yung professor na first day pa lang ng semester ay nagkatinginan na kaming mga magkakaklase. Parang feeling namin nauna pa ang pandemic ni Thanos kaysa sa COVID-19. May ilan sa amin na tinaggap na ang kanilang kapalaran, although may mga ibang gusto pang ilaban. Gusto na namin yakapin ang bawat isa para maging matatag kami. Parang may delubyo na dumating.
May isa kaming classmate na hindi pumasok ng three meetings nang nalaman na sya ang professor namin. Dahil doon, hindi na sya pwedeng maka-absent. Sobrang takot lang talaga nya, at nautal-utal pa sya sa pagsagot.
Nagbigay na ng instructions si Thanos para sa final exam. Six questions lang daw. Mahahabang tanong. Pero kailangan namin matapos yung exam in 30 minutes. Ipapadala sa isang social media account nya.
Medyo challenging ito dahil sa 10 main questions–with a few sub questions–sa normal na condition, meron kaming close to 2 hours para sagutan ito. Yung time na pagiisip at time na pagsusulat, hindi na ito masyadong napapansin at nakakagulat na limang minuto o sampung minuto na pala ang nakalipas.
Gusto pa nya na in 30 minutes after nyang ibigay ang mga questions ay ma-submit sa kanya ang malinaw na pictures ng mga sinagutan namin. Babawasan nya ng points kada minuto na late ang pag-submit at hindi na nya tatanggapin kapag in excess of 10 minutes na ang pagka-late ng submission.
Mahahaba yung questions. Maraming layers ng detalye, tapos isa lang tanong nya kada item. Isa lang ang dapat ma-solve. Pero nakakalito. Minsan kasi nakakaawa yung situation pero kailangang tamang application pa rin ng batas ang i-apply, hindi pwede sobrang consideration out of mere sympathy. May question na nakakagalit pero kailangang tamang application pa rin ng batas at hindi pwede sumobra. May question din naman na completely hindi mo lang talaga sure pa kung ano ang sagot.
Paano namin masasagutan ito ngayon sa loob ng 30 minutes habang nakaquarantine?
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Cerita PendekKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
