The Separation Of Trolls From The State

32 1 6
                                        

Dati, nakaka-entertain ang trolls sa akin. Hindi nila deserve na mareplyan ng matino. Sayang ang oras na makipagdebate sa kanila. Hindi na rin nila deserve ang comments natin, at baka manakit pa ulo natin sa mga sasabihin o gagawin nila.

Pero nakaka-entertain sila. Alternative fiction and comedy ang tingin ko sa kanila. Iba-iba rin kasi ang genre nila.

I am not saying na sa isang source lang nanggagaling ang social media trolls ha. Hindi DDS ang unang troll na nakasalamuha ko.

Kaso naramdaman ko na rin na sa aking pag-aaral ay nakakabahala yung mga taong naniniwala sa kanila. I can tolerate their posts and statements from a "let's pretend this happened" na level. Kaso, nang ako ay awayin ng isang licensed engineer and math professor dahil hindi ako naniniwala sa mga trolls na binabasa nya, nagulat ako. Mas kapanipaniwala pa raw sila kaysa sa ibang mga "experts" na mas maraming training and experience ang nalikom.

Kinabahan na ako doon.

Ang iniisip ko kasi ng una ay ang mga science and math scholars ay huli sa magiging serious believer ng fake news. Kasi ang hirap na dayain ang numbers and natural elements. Pero kung pati ang mga tao na nasa field ng "no-nonsense" subjects ay naniniwala na sa fake news ng mga trolls, kinabahan na ako.

Ako kasi ay taong HUMSS. It stands for Humanities and Social Sciences (HUMSS). Kami yung supposed to be malawak ang pangunawa at pasensya sa mga tao. Kami yung ineexpect na maging "peacemakers," "diplomats," and nakakaunawa sa iba't ibang literature and media. Kaya gets namin yung entertaining value ng fake news at dapat hindi rin kami madaling magpapadaya sa mga origins ng fake news dahil dapat napapansin namin ang mga schemes and designs nila using the lenses of psychology, political science, law, at iba pa.

Pero parang kailangan na rin na i-address ang fake news not as an entertaining content but as a threat to mental health and sociopolitical order. Ramdam ko ito ngayong quarantine. We're mostly away from friends and, sometimes, "civilization." Hindi lahat ay maalam sa media literacy. Nakakabahala when people distort numbers and scientific facts on a massive scale just to push for their political agenda.

Noong first week ng quarantine, ang dami kong kakilala na takot dahil sa mga nababasa nila. May kakilala ako na literally pinipigilan ko na mag-imbak ng mga pagkain for the next several months. In fact, nakita ko minsan sa bahay nya na may mga nabili na sya na mga mageexpire ng 2023 pa.

Nainis ako dahil nga naka-quarantine eh halos lahat ng tao ay nasa loob lang ng bahay. Pero kahit nasa loob lang ng bahay ay nag-imbak ng maraming disinfectant alcohol and face masks. Ako nga yung 500ml na disinfectant alcohol na binili ko last year pa ay wala pa sa kalahati yung nagagamit ko, though mahilig ako maghugas ng kamay.

Nainis ako noon kasi may mga hospitals na nagsasabi na sila ay nangangailangan ng face masks and alcohol. May mga nurses at doctors na nagkakasakit at namamatay. Pero nahihirapan akong makabili ng alcohol at face masks para sa kanila dahil nagkaubosan na. Inubos ng mga taong nasa bahay lamang.

Pero yung mga ganoong klaseng panic ay pwedeng epekto ng fake news. May fake news na positive at meron din na negative. Pero fake news pa rin. Tapos, may mga internet celebrities and, minsan even government officials, na shine-share ang mga fake news na ito. Tapos may mga trolls pa na magsusupply ng maling information on a massive scale. Magcocomment sila sa mga posts kahit hindi kayo connected sa social media. Tapos, nakakagulat na may mga naniniwala sa kanila. Ako rin ay naistorbo ng ilang mga trolls ngayong quarantine. Ayaw ko nang i-engage yung comments nila. I just delete it. Hindi ito panahon at hindi ko sa kanila ipa-practice ang allowed "plurality of opinions." Maraming namamatay na mga tao. May mga taong may mental health issues. Hindi nakakatulong yung ginagawa ng mga trolls.

Aside from misinformation, may mga trolls na nangaaway. May mga pinapahiya kung sino-sino mang tao na gusto nilang ipahiya. May kaibigan ako na biktima ng mga iyan. Pati yung kaibigan nya ay nadamay. Kinuha ng mga trolls ang pictures nila at pinost, nagsasabi sila ng mga rape jokes and rape threats sa pictures na kinuha nila.

Iba't iba ang pinanggagalingan ng mga trolls na iyan. Gaya ng sinabi ko kanina: ang unang troll na nakasalamuha ko ay hindi DDS. Taong 2010 pa noong nasimulan kong makapag interact sa mga trolls. Mas dumami lang sila ngayon.

Hindi natin sila kailangan sa ating republika.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon