Nakakainspire yung Lord of the Rings trilogy. Kahit nga yung The Hobbit ay nakakainspire din. Nakakainspire sila not just because of the story but also because of the fact na laging may mga magkakaibigan. Kahit yung mga kontrabida doon na si Sauron, kailangan pa rin nya si Saruman. Kahit ang mga pinakamakapangyarihan na tao, masama o mabuti, ay kailangan ng mga ka-fellowship.
Wala naman akong malubhang sakit pero minsan di ko alam kung bakit ayaw sa akin ng mga tao. May mga ibang they treat me well naman pero hindi ako maka-establish ng deep, platonic relationships. Feeling ko minsan naweweirdohan mga tao sa akin. Weird ba ko? Ilang beses naman akong pumasa sa psychological tests. Meron dati sa work, meron din sa law school. Pero, yung totoo, na-amaze ako na naipasa ko sila.
Pero kailangan ko pa rin ng friends.
Nakakita ako ng isang weirdo first day of school pa lang. Ang dami noon agad na kinakausap. Kung ano anong mga topics ang mga sinisimulan. May ibang naooffend nga sa kanya noong mga panahong yon, pero ngayon ay sanay na kami. Mahilig din itong kumain. Ang daming kwento. Madaldal. Pero tingin nya yata minsan parang mas maingay ako kaya minsan nagagalit kapag marami na akong nasasabi.
Pero sa dami nitong kwento, at minsan di nya narerealize na iba iba ang versions ng nakukuwento nya depende sa kausap nya, naisip ko na baka pwedeng maging kaibigan ito. Besides, kaibigan ang hanap ko. Yung nagsasalita. Hindi mannequin. Tawagin natin syang Patrick, inspired by the Saint of Ireland and si Patrick Star sa Spongebob.
May nakita rin ako na parang si Smeagol or Gollum sa Lord of the Rings. Nanahimik ito noon. Laging nasa gilid-gilid lang. Tapos biglang sumulpot at nagsalita. Hindi naman pala sya isang creature of the dark. In fact, marami akong naririnig na nagkakagusto dito eh. Maraming beses na mas mataas ang grades nitong taong ito kaysa sa akin. May mga pagkakataon na naglalakad kami nito pauwi. Pero hindi bagay na Gollum ang tawag sa kanya. Kaya tawagin natin syang Skywalker. Mas bagay ito sa personality nya. Minsan din may nakita syang mga chips sa isang opened na wrapper nito, at kinain nya. Later na lang nya na-realize nang sinabi ko na what if may ipis na nakagapang sa loob. Eh, inubos pa rin nya.
Tapos meron din akong nakitang isang senior na friendly. Kilala pala ako nito. Matagal na nyang alam kung sino ako pero sa law school lang kami naging close. Akala ko nga noong una ito yung may malubhang sakit. Pero hindi naman pala. Kaso, yung real name nya, naaalala ko yung isang santo na pinagbabato ng mga tao. Kaya tawagin natin syang The Rock.
Sila yung mga una kong naging kaibigan. Isipin nyo na lahat ng mga nandito ay naikwento ko na sa kanila. Kaya nilang tagalan ang kadaldalan ko.
Buo na ang The Fellowship of The Ring namin. Sa The Lord of the Rings kasi may apat na matatalik na kaibigan doon. Sila yung mga hobbits from the Shire. Dahil di ko pa rin alam kung anong itatawag sa akin, ang pangalan ko na lang muna ay Frodo. Weird din kasi yun. Bigla na lang manghihina o may mangyayari sa kanya. Pero at least di sya namatay.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Cerita PendekKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
