Okay na sana yung comments ni Commissioner Rowena Guanzon laban doon sa pagbaril ng ex-soldier na may mental health problem. Agree ako doon sa sinabi ni Guanzon. Nakita naman natin yung video. Ang hirap na maglagay ng extra information doon ang mga trolls. Sana nag-release na lang sila ng version na may mga doodles nila baka sakali na-alter ang evidence. Pero that would be bad entertainment.
I am just saying from the perspective of what I learned in law school. Hindi madaling i-defend yun. Wala akong makitang circumstance to completely justify or exempt the act from criminal punishment. Ang isang anggulo lang na nakikita ko kung talagang malinis ang intensyon ng pulis na bumaril ay yung tinatawag na mitigating circumstance para bumaba ang parusa nya kung sakaling ma-convict ng korte. Pero pati yung mitigating circumstance na yun ay kailangan pang i-prove.
Kaso, iba yung feeling na habang nagrereview ka for final exams eh biglang may magsasabi na hwag daw i-waste yung time nya sa debate kung hindi naman graduate ng U.P. or Ateneo yung makikipagdebate sa kanya. Bawal daw ang shunga.
Maraming humahanga kay Guanzon na mga lawyers from different law schools. Bilang law student, nakaka-educate and entertain yung ilan sa mga sinasabi ni Commissioner. Pero hindi nakaka-encourage yung ginawa nya. Pinakita lang nya na ang mga lawyers na di graduate sa mga universities na iyon ay pwedeng ma-discriminate pagdating sa trabaho kapag nakatapat ng mga taong tulad nya.
A week later, lumabas yung bar exam results. Walang nakapasok sa top 10 mula sa law schools na nabanggit ni Commissioner.
Although maaaring may advantage sa quality ng professor at facilities sa mga law school na iyon, since marami silang budget, ang batas ay iisa lang naman. Ang kailangan nating lahat ay rumespeto sa kapwa, igalang ang batas, at i-uphold ang rule of law kahit pa iba ang political opinion natin. Pero tandaan natin na kasama ang compassionate justice sa rule of law.
![](https://img.wattpad.com/cover/227445037-288-k895032.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Short StoryKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...