Narinig ko sa isang kaibigan na nag-aaral sa undergrad na may mga naeexperience daw sila na harassment from their professors. Yung iba naman, mula sa kapwa kaklase.
Ang dami kong naririnig at nababasa na ganyan. In fact, may kaklase ako dati na naging teacher. Nag-confess sya sa akin na may mga nilandi syang mga students at nakipagtalik pa sya sa mga ito. Isang regret ko nga noong minsan nagpunta sya sa bahay namin kasama ang isang babae. Para kasing girlfriend nya. Sabi ko pa matino yung dati kong kaklase na ito. Nalaman ko na lang na student pala nya yon at nilandi nya.
Alam kong nangyayari ang paglalandi. Alam ko rin nangyayari ang harassment. Although magkaibang bagay yun, ayaw ko ang mga konteksto na naririnig ko.
Tinanong ko kung may nilapitan na sila na university administrator na pwedeng makatulong. Meron daw pero di umusad. May kaibigan ako dati na nagtuturo sa school na ito a few years ago pero tinanggal na rin sa pwesto. Matino naman itong kaibigan ko na ito. Kaso tinanggal sya dahil sa mga posts nya na laban sa Duterte administration. Pero, may naging kaibigan sya na may harassment din yung case sa school na ito pero wala namang nangyari.
Dahil dito, naisipan ko na mag-file ng mga requests for investigation sa mga opisina ng gobyerno sa labas ng university namin. Dinamihan ko ang pinuntahan ko kasi di ko naman alam kung sino ang sasagot at kung may makakapansin.
Mga lagpas isang buwan bago ako nakatanggap ng update dito. Nabigla pa ang aming university.
Isang malaking pagkakamali ko ang hindi ko pagtiyak na talagang di nakakatulong ang mga university administrators. May mga opisina pala dito na pwede kong lapitan. Aware naman pala yung nagsumbong sa akin sa mga ito, pero di ako sinabihan. Hindi ko rin masyadong kabisado kung anong opisina ang pwedeng mag-investigate.
Ayun ang pagkakamali ako. Nag-research naman ako pero di ko kasi maintindihan. Tapos, lumaki yung issue dahil iba't ibang mga government agencies na ang nakikiaalam.
Tapos, on the day of the hearing ng investigation, yung mga nagreport sa akin at nangako na pupunta at susuporta, since sila naman yung biktima, biglang hindi dumating.
Hindi pwedeng umusad ang kaso kapag di nagpakita ang victim at kung walang testimony na ibinigay. Hindi pwede na may iba na magrereport para sa biktima. Dapat dito ay yung biktima mismo ang lalapit o kaya naman may kamag-anak sya na tutulong sa pagreport if hindi kaya ng biktima magsalita. Required daw ito sa due process. Kailangan ma-establish ng maigi ang evidence.
Kaso di sila dumating.
Feeling ko tuloy baka ginagmit lang ako. Di kasi ako aware na election period pala sa university noon. May mga factions na gustong makakuha ang specific na mga offices o position. Baka nauto lang ako.
Saka nagtataka ako. Yung mga kausap ko kasi ay nakaka-join sa mga protesta. Kaya nilang mag-ingay sa kalsada para sa kanilang mga Karapatan. Kaya pa nga ng mga student leaders nila na mag-issue ng matatapang na statements pabor o laban tungkol sa isang isyu.
Ibig sabihin ay kaya nilang makipagusap sa mga officials. Sa tapang nila na yun, kung totoong may maling nangyari at gusto nilang ipagtanggol ang mga naaapi, dapat sumulpot sila. Dapat dinala nila yung hinihingi na statement man lang.
Kaso, wala.
In addition to this, sabi ng ilang university officials ay baka raw sampahan ako ng kaso–criminal or administrative–dahil sa dami kong pinadalan ng letters to request for investigation. I was also temporarily blocked from enrolling again until I fixed this.
I know my mistake. Dapat talaga I exhausted internal administrative means muna. Hindi naman ako na-threaten sa sinabi o ginawa nila. If I was in their place, I may have considered the same. Noong time lang na yon, limitado yung mga naiisip kong options. I concede that I should have taken more time to think, research, and act properly. Naiinis lang ako sa mga nangyayari.
Kaya, to fix the mess I started, personal kong binalikan lahat ng mga government offices kung saan ako nagsubmit ng request for investigation. Nagreply din ako sa email ng ilang sa kanila. Sinabi ko I asked the case to be dismissed for lack of witnesses. Wala rin akong legal standing na humarap sa hearing dahil di naman ako yung biktima.
Although napansin ko may mga government offices na gustong makisawsaw sa issue dahil sila mismo ay ineencourage ako na ituloy ko pa, sabi ko ayaw ko. Hwag na. Hindi ko sila lahat kilala. Ayaw kong sumali sa mga factions at pagpapa-epal na ginagawa ng marami sa kanila.
Actually, ito rin yung dahilan kaya napaisip ako kung gusto ko pa bang tumulong ulit. Parang ayaw ko na. Minsan sa pagtulong pala ikaw pa ang mapapahamak, tapos di ka sasaluhin o iingatan ng mga tinutulungan mo. Bigla silang mawawala kahit nangako sila na di ka iiwan. Hindi ka na nga sinuportahan, iniwan ka pa. Tapos, may mga epal pa sa labas na pilit pang nakikisawsaw sa issue.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Historia CortaKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
