Kailangan Pa Bang I-Memorize Yan?

28 0 0
                                        

Habang naka-quarantine, iniisip ko pa rin sa bahay kung bobo ako. Parang nawawalan ako ng silbi. Parang nawawalan na ako ng sarili kong opinion o pananaw. Ang naiisip ko na lang ay naiinggit ako sa mga classmates ko na magaling mag-memorize.

Naaawa ako sa sarili ko. Naaalala ko yung mga panahon na mas healthy ako kaysa ngayon. Madaling mag-aral noon. Madaling mag-memorize. Dati noon, nakabisado ko ang buong Bill of Rights. Pero that was ten or eleven years ago. Sa ngayon ay hindi ko na magawa iyon ulit. Tapos, mahilig naman ako magbasa at mag-aral.

Wala nga ako masyadong luho sa buhay. Hindi ko nga maalala yung huling beses na bumili ako ng damit para sa sarili ko. Madalas bigay pa ng iba. Pero pagdating sa mga libro na related sa pinagaaralan ako, eh madali akong bumili. Minsan, I save money pa by not eating para may reserba ako na pangbili ng libro kung kinakailangan. Napapadalas lang yung atake sa health ko kaya kinakailangan kong magpahinga.

May mga classmates ako na pinupuri ng professor at binibigyan ng maraming chances na sumagot dahil memorized nila yung provisions of law. Hindi sila nakaka-badtrip sumagot. Sa akin, nakikita ko na minsan ay naiinis pa ang professor.

Kaya nagulat ako ng nalaman ko na sa higit na limang subjects ko ngayong may quarantine, dalawa sa major subjects ko ay exempted ako sa final exam. Ang dahilan ay mataas ang grades ko sa midterm exam tapos pwede nang pagbigyan ang aking recitation grade. Yung midterm exams kasi, marami doon ay application of laws na. Sa recitation lang mahalaga yung memorization sa mga subjects na yon. Nagkataon yung mga professors ko prefer nilang magpa-application sa exam, although may sinisingit pa rin sila na memorization.

Kasama ako sa na-exempt kay Professor Thanos.

May mga classmates ako na kinaiinggitan ko dahil magaling sila mag-memorize. Pero hindi sila na-exempt sa mga subjects na yon.

Tama naman na mahalagang nakakapagmemorize ka sa law school. Pero may mga pagkakataon ang mahalaga ay ma-i-apply mo ng tama ang batas sa problemang pinapasolve sa iyo.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon