Quarantine Starts

40 1 0
                                        

Sa month of March nagsimula ang quarantine. It was a few weeks after Valentine's Day. Dito nagsimulang dumami ang confirmed cases.

Nasa law school kami noon. Natatakot dahil sa mga pwedeng mangyari sa recitation. Hindi ko memorized yung mga provisions of law. Mas magaling ako sa situational and application.

By this time, napapaisip na ako kung bobo ba ko. Pero alam ko sa recitation lang talaga ako talagang nahihirapan. Ang hirap kasi magmemorize. Pero pagdating naman sa exam, parang mas mataas ang grade ko kasi application na.

May pumasok na school official sa room namin at kinausap ang aming professor.

Ayun. Nag-announce na raw na magkakaquarantine. Kailangan na namin umuwi.

Habang pauwi, na-stranded pa ako sa Cubao. Siksikan sa mga public transport.

Nang ako ay masakay, may mga tao na bahing ng bahing.

Buti pala nakauwi na ako, dahil may mga later pa na nakauwi dahil ayaw silang papasukin ng security officers sa kanilang mga cities.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon