Ibang klase ang law school. Kung ayaw nyong maniwala, eh di mag-enroll kayo. Minsan di mo alam kung anong una mong pagiipunan: yung pang-tuition mo o yung pangbili ng extra brain cells.
Saka natuklasan ko na ang pagpasok sa law school ay parang nagconvert ka ng panibagong religion. Hindi sa iyo makakatulong ang kahit ano mang prinsipyo o pinapaniwalaan ko kung ito ay hindi katanggap-tanggap sa batas. May mga pagkakataon na wala ring saysay ang simple mong dictionary. Kailangan magbasa ka ng Philippine cases or jurisprudence para malaman mo kung ano ang definition ng mga terms.
Kaya mahalaga yung subject na "statutory construction." Hindi ito about infrastructure ha. Walang kinalaman si Sec. Mark Villar ng DPWH dito, at hindi ka dapat umasa sa kanya para sa construction.
No matter how good your argument is, pero kapag hindi ito legally valid, walang saysay yan. Sa statutory construction, kailangan mong matutunan how to read and understand the law properly para ma-i-apply mo ng tama. Kahit magaling ka pa mag-English, kapag ang dami mo nang sinasabi pero hindi naman yun ang hinahanap ng professor mo, para ka lang dumadaldal. Although, mahalaga ang English sa law school. May mga Latin or Spanish phrases minsan, at ninenerbyos ako kapag nakakabasa ako noon, pero most of the time English ang kailangan.
May mga professors din na mahilig magpamemorize. Ito yung isa sa mga dahilan kung bakit kahit parang feeling ko demigod ako eh minsan umuuwi ako na ang feeling ko ako ay isang bobo. Masakit. Talagang masakit.
Tapos, kung dati kung ano ano na lang ang napapagkwentuhan ay ngayon talagang kailangang mapagusapan natin ang batas. Kung dati ang dami mong mga batas na gustong maipasa ng Kongreso, sa ngayon parang kung pwede hwag muna kasi baka madagdagan ang ipapamemorize sa inyo. Kung dati ay nakakatuwa o tolerable pa ang fake news, at nagagawa mo pang i-share, ngayon kung gusto mong hindi masayang ang pinang-enroll mo at para di ka bumagsak, aayawan mo ang fake news.
Minsan, pigang-piga na ang laman ng utak mo. Tapos, may tinatanong pa ang professor mo.
Kaya nga may isa kaming kaklase na ang huling tanong lang sa kanya ng professor namin ay: "What are the four traits of a judge according to the Code of Judicial Conduct? They each start with the letter "I."
Nasagot nya yung Independence, Impartiality, and Impropriety. Kaso, noong nasabi nya yung "Integrity" ay hindi sya narinig ng professor. Kaya tinanong sya ng paulit-ulit kung ano yung huling trait.
Naubusan na sya ng word for letter "I." Kaya ang sinagot na lang nya ay "Immaculate." Sabi nya: "The judge should be immaculate, sir."
Ang tanong naman ng professor namin ay: "Why do you now equate a judge with the Virgin Mary?"
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Short StoryKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
