Si Mystique

40 1 0
                                        

May napansin akong naglalakad sa corridor. Si Mystique sa bagong X-men movie series ang naaalala ko sa kanya, kaya sa ganitong pangalan ko na rin sya tatawagin.

Ilang buwan ko na syang inoobserbahan. Noong umpisa nga akala ko mataray o masungit kasi noong may isang party, nilapitan ko yung isang common friend namin at kinakausap ko. Aba, bigla syang nagyaya sa aalis sila para sa photobooth at gusto nyang sumama yung friend ko as if hindi kami naguusap noong tinawag nya ito.

Tapos, dahil sumama yung common friend namin sa kanila, tinuloy namin yung paguusap hanggang sa may photobooth. Noong nandoon na sa photobooth, parang sumisenyas sya na pansinin naman sya noong common friend namin. Parang wala ako doon at parang hindi kami naguusap.

Kaya umalis na ako.

Napapansin ko sya sa mga classes. Isa sya sa mga nag-top sa midterm exam sa isang common subject namin. Nakakatuwa sya. Nakakainspire kahit na parang masungit.

Noong nagkaroon ng sportsfest, magka-team kami. Akala ko talaga nilalayuan ako kasi noong lumapit na ako sa group namin at naghahanap ako ng mauupuan dahil late akong dumating, nag-move sila ng friends niya. Then, lumalayo kapag lumalapit ako. Hindi ko alam kung anong meron.

Hindi nga nila tinapos yung sportsfest. Umuwi kaagad siya at mga friends nya. Pero habang papalayo sila, nakita ko na lumingon sya sa likod. Nakita ko mga mata nya. Mukha namang sweet.

Medyo may interesting na mystery sa kanya. Gusto kong malaman. Kaya inalam ko ang tunay na pangalan nya at in-add ko sa Facebook. May iba pa pala kaming mutual friends.

Buti naman ay in-accept nya yung request ko.

Nakakatuwa kasi noong nagtanong ako tungkol sa mga mutual friends namin, sabi nga nya familiar yung mga yun. Tapos natutuwa raw sya na ngayon ay nakakapagusap kami. She also said she finds me amazing.

Syempre, natutuwa rin ako.

Tatlong buwan ko syang inobserbahan at sinubukang kilalanin. Nakakatuwa yung mga pinopost nya.

Magkaklase kami sa isang subject. Okay sya kausap at masaya ako kasi she stayed the same to me kahit nalaman nya na may binagsak akong subject.

At dahil may mga bagay ako from the past na naaalala, mga bagay na may part doon ang mutual friends namin, masaya ako kasi mga happy memories yun. Dahil sa mga nangyari sa akin sa law school na di maaayos, nakakatuwa na may tao na kahit ngayon ko pa lang nakita ay dahil sa kanya may mga good memories akong naaalala.

At noong naikwento ko sa kanya ang ilan sa mga nangyayari sa buhay ko, parang ang gaan nyang kausap. Kailangan ng magaan na kausap habang nasa law school.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon